Saturday, September 22, 2012

BLACKMAIL NI PANGILINAN




NAPIKON na ang komprador na si Manny Pangilinan.
Nagbanta ito na ililipat sa Hong Kong ang lahat ng kanyang negosyo.
BLACKMAIL ang tawag dyan.

-----$$$---
KAPAG napipikon ang tao, nauubusan ito ng argumento o epektibong katwiran upang maiabsuelto ang sarili sa negatibong sitwasyon.
Ibinisto kasi ni Sen. Antonio Trillanes IV ang “secret agenda” ni MP.
Mukhang maghahalo ang balat-sa-tinalupan.

----$$$--
MALABONG gawin ni Pangilinan ang kanyang banta.
Bakit?
Kapag tinotoo niya ang paglipat sa HongKong ng kanyang mga negosyo, makukumpirma na siya ang TRAYDOR sa bayan.
Personal na interest ang kanyang ipinakikipaglaban.
Babagsak ang lahat ng kanyang NEGOSYO sapagkat ang TUBO o KITA ng kanyang mga “transaksiyon” ay itatakbo niya patungo sa ibang bansa.
Ibig sabihin, hindi na siya maituturing na tunay na  FILIPINO bagkus ay isa nang siyang ADOPTED SON ng China.

-----$$$--
KUNG inaakusahan ni Senate President  Juan Ponce Enrile si Trillanes na nagseserbisyo pabor sa China, lumalabas ngayon na si Pangilinan ay nakikipag-LARO rin sa China.
At makukumpirma ito sa kanyang banta na ilipat ang mga negosyo sa HONGKONG—na aktuwal na teritoryo ng China.
Sakaling totoo na sina  Trillanes at Pangilinan ay nakikipag-negosasyon nang “nakahapay” o naka-KILING pabor sa  China—kaawa-awa naman ang Pilipinas,sapagkat “WALANG PATRIOTIKONG PINOY ang kasama sa “negosasyon”.
Ang mga negosyador ay pare-parehong PABOR sa China.
Iyan ang dahilan kung bakit dapat na tumindig at linawin ng Malacanang ang naturang isyu.

----$$$--
MAAARING nagpapapansin lang si Pangilinan o pinepeke ang publisidad sa pagbabanta na ililipat niya sa Hong Kong ang mga negosyo upang PALITAWIN na siya ay maka-CHINA imbes sa BINTANG  ni Trillanes na “maka-US” ang Big Boss tulad sa interes na ipinapostura ni Foreign Affairs secretary Alberto del Rosario.
Maselan ang isyu sapagkat  lumalabas na si Pangilinan ay may DALAWANG MUKHA---isang maka-China at isang maka-US.
Pero, walang paling o pahiwatig  na siya ay maka-PILIPINAS.
Ang mga PINOY—ay kanya lang pinagkikitaan sa kanyang mga DAMBUHALANG negosyo.

------$$$--
MALINAW na malinaw, pamba-BLACKMAIL ang banta ni Pangilinan na ilipat sa Hong Kong ang kanyang mga negosyo.
Direktang BLACKMAIL  ito sa Malacanang upang ibigay ang kanyang KAPRITSO na hindi ibinubunyag sa publiko.
(BISTADO column ni Ka Ambo, Bulgar  newspaper for Sept. 23, 2012 issue. UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ danilo_ambrocio@yahoo.com/ 09173525272/ bistadoniambo on twitter.)
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home