Tuesday, October 02, 2012

PACQUIAOS SA POLITIKA:QUALIFIED?


LINSIYAK, kumandidato na rin ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinkee.
Maging ang utol ni Pacman na si Roel Pacquiao ay kandidato rin bilang kongresista.
Si Mrs. Pacquiao ay lalaban bilang bise gobernador.
May karapatan namang sumabak sa politika kahit sino.
Karapatan yan ng mag-bayaw.
Pero, hindi rin natin maiiaalis na may magtawa, mapangiti o mang-insulto.
Bakit mo naman pipintasan ang mag-bayaw kung nais kumandidato.
Wala namang maipagmamalaki ang mga politiko.
Kasi’y sila naman ay garapalang MAGNANAKAW ng pondo ng bayan gamit ang pork barrel at nakopong “protection money” at kinita sa ghost projects o overpricing.
Ang gagamiting salapi ng magbayaw ay mula sa dugo at pawis ng pambansang kamao.
Pero ang pondo na gagamitin ng ilang incumbent ay nakaw na pondo mula sa gobyerno.
Marami dito ay mula sa protection money sa illegal gambling, human trafficking, illegal drugs, smuggling, illegal logging, illegal mining at iba pang kailegalan sa paligid.
Lehitimo ang campaign fund ng Pamilya Pacquoao kompara sa pondo na gagamitin ng sangrekwang politiko na nang-iinsulto sa kanilang  kuwalipikasyon.
Sino ba ang mas qualified?
Ang kandidato pinagpawisan ang campaign fund o ang kandidato  gagamit ng “DIRTY MONEY”?
(EDITORIAL  ni Ka Ambo, Bulgar newspaper, Oct. 03, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ danilo_ambrocio@yahoo.com/ 09173525272/ bistadoniambo on twitter)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home