Paano manalo sa eleksiyon?
TULIRO na ang mga kandidato.
Pinaaga ang pagsusumite ng
certificate of candidacy.
Ibig sabihin, opisyal nang
kandidato ang mga nag-file ng COC.
Sa ayaw o sa gusto ng
Comelec, magsisimula ang kampanya sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno.
Mapipigil ba ng Comelec na
magpasyal ang mga kandidato sa mga kamag-anak, kaibigan at mga kababayan?
Mapipigil ba ng Comelec ang
libreng tsibog, painum o blowout upang makumbinse ang botante?
Mapipigil ba ng Comelec na
magpaimprenta ng propaganda materials upang matandaan ang pangalan ng kandidato?
Mapipigil pa ng Comelec na
gamitin ng kandidato ang diyaryo, radyo, telebisyon at internet?
Walang duda, aktuwal na
magsisimula ang kampanyahan.
Masuwerte ang mga kandidatong
may sobra-sobrang “dirty money”—hindi sila manghihinayang na ubusin ito sapagkat
ninakaw at hindi nila ito pinaghirapan.
Ang kaawa-awa ngayon ay ang
mga tunay na kandidato na ang gagamiting panggastos ay mula sa kanilang inipon
o pinagpaguran sa nagdaang panahon.
Ang mabigat ay makatapat ng
isang kandidato na may “clean money” ang isang karibal na may “dirty fund”.
Mauubos ang pinagpaguran ng
pobreng “matinong kandidato” at pagtatawanan lang siya ng “hoodlum na
kandidato” na hindi nauubusan ng salapi.
Ang tanong: May garantiya ba
sa eleksiyon na laging panalo kung sino ang may PINAKAMARAMING SALAPI?
Ang sagot ay isang MALAKING
HINDI.
Alam naman natin na NATALO
ang No.1 millionaire sa Kongreso ng Pilipinas sa nagdaang 2010 presidential election.
Ebidensiya ito na hindi lahat
ng MARAMING PERA ay laging nananalo sa eleksiyon.
Sa mga lalawigan, natatalo
rin ang MAYAYAMAN, yun nga lang, makaraang ang halalan, marami ang
isina-SALVAGE at sinisisi ang mga biktima na NAGTRAYDORa dahil hindi tumalab
ang kanilang salapi.
Ito ang tandaang ninyo:
MAHALAGA ANG SALAPI, pero hindi ang SALAPI ang PINAKAMAHALAGA sa eleksiyon.
Ang pinakamahalaga pa rin ay
TAKTIKA, estratehiya, diskarte at matalinong pagdedesisyon.
Kapag ang maraming salapi ay
napasakamay ng BOPOL na kandidato, matatalo lang yan sapagkat hindi sila
marunong GUMAMIT ng epektibong taktika.
Kahit kakaunti ang campaign
fund ng isang kandidato, maari pa rin siyang magwagi pero kailangan niya ang
MASINOP na taktika, matalinong desisyon at madidiskarteng tauhan.
Pinakamahalagang taktika ay
ito: Kailangang “makikilala mo o makabisado” ang diskarte ng kalaban.
Kumbaga sa “Art of War” ni
Sun Tzu, kapag “KILALA MO ANG KALABAN, KALAHATI
ng giyera ay NAIPANALO mo na”.
Ibig sabihin, masusing
monitoring o paga-analisa ng taktika ng kalaban ang dapat matutuhan ng mga
kandidato nang sa gayon—ay MASOLUSYUNAN o masagot agad ang atake ng katunggali.
Ito ang dahilan kung bakit
nagtatanim ng “SPY” ang mga kandidato at namboboso ang mga mahuhusay na
kandidato laban sa kanilang katunggali.
Dyan nasabit si dating US president
Richard Nixon nang i-wiretapped nila ang WATERGATE—kung saan ay nagwagi siya sa
election, pero nag-resign matapos masalang din sa isang “impeachment”.
Ang election ay isang
napakagandang SINING, pero kapag napikon ang mga MAYAYAMANG kandidato---tanging
solusyon nila ay ima-MASAKER ang mga sagwil sa kanilang ambisyon, tulad sa
nasaksihan natin sa nagdaang MAGUINDANAO MASSACRE 2010.
(EDITORIAL ni Ka Ambo column, Bulgar Newspaper, Oct. 05,
2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272/
bistadoniambo on twitter.)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home