GESTA: NEW FLASH ELORDE
MARAMING Pinoy ang hindi na
mapagkatulog.
Ito ay hindi dahil sa
karima-rimarim na sinapit ng mga biktima ng bagyong Pablo, kundi dahil sa
kinasasabikang laban ni 8-division world boxing champion Manny Pacquiao kontra
kay Juan Manuel Marquez ng Mexico.
Hindi lang yan, sabik din ang
95 milyong Pinoy kasi’y engrande ang co-main event na laban ng wala pang talong
na si Mercito “No Mercy” Gesta laban kay Miguel Vazquez ng Mexico para sa IBF
lightweight title.
Sa kauna-unahang pagkakataon,
ngayon lamang makakasaksi ang buong daigdig ng isang APAT NA PAGHAHARAP sa
ibabaw ng lona nang parehong aktibo pa ang mga boksingero.
Sa kauna-unahan ding
pagkakataon, ngayon lamang masasaksihan ng mga Filipino aficionados ang
pagsabak ng isang LEHITIMONG LIGHTWEIGHT fighter mula sa Pilipinas sa isang
kampeonato mula nang gulantangin ang daigdig ng boxing ni Gabriel “Flash
Elorde”.
Bagaman, naging kampeon si
Pacquiao sa lightweight division, pero hindi ito ang kanyang orihinal na
dibisyon sapagkat na-metamorphose ang kanyang career mula sa lightflyweight
tungo sa super welterweight class katumbas ng light middleweight—tangay-tangay
ang pinakamagarbong championship belt.
Tulad nina Elorde at
Pacquiao, isa ring kaliweteng boksingero si Gesta na lumaki at nagkaisip sa
ibabaw ng improvised ring na ginawa ng kanyang amang muay thai world
championship veteran na si Mang Anecito.
Taliwas kay Pacman na tindero
ng pandesal at mula sa broken family, hinubog si Gesta ng isang buong-buong at
masayang pamilya kung saan kasama niya
ang kanyang mga magulang at kapatid na nage-ensayo sa Big Bear California .
Walang talo si Gesta sa 26
laban at hindi rin siya dumaan sa pagiging amateur dahil mula nang
magbinatilyo, natutulog, kumakain at mistulang naliligo sa ibabaw ng lona sa
pag-eensayo upang maabot ang kanyang matagal nang AMBISYONG mapasabak sa isang
prestihiyosong WORLD BOXING CHAMPIONSHIP.
At bukas, Linggo—ay isang PANGARAP NA LUBOS na
natupad para sa 25-anyos na si Gesta.
Sakaling talunin ni Gesta si
Vasquez, walang duda, magkakaroon ang Pilipinas ng isa pang dakilang
boksingero.
Hindi ang anino ni Pacquiao
ang nakikita ng mga eksperto sa katauhan ni Gesta, kundi ang IMAHE ng kapwa
niya Cebuano na si Gabriel “Flash” Elorde.
Kung si Pacman ay dinidiyos
ng mga taga-Mindanao, walang duda, iniidolo naman si Gesta ng mga taga-Visayas.
Ipagdasal nating kapwa
magwagi sina Pacquio, Gesta at iba pang boksingerong Pinoy sa kampeonato sa Las Vegas bukas—sila ang
mga BAGONG BAYANI ng ating henerasyon.
Pacquiao, Gesta at iba pang
Pinoy boxers—GOODLUCK po sa inyong lahat!!!
(EDITORIAL ni KA AMBO column, for Bulgar Newspaper,
December 08, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home