Wednesday, October 31, 2012

MAY KALULUWA KA BA?


MARAMI ang nagtatanong, naniniwala daw ba tayo sa kaluluwa?
Mahirap sagutin yan.
Pero ang tanong ay may kaugnayan sa doktrina ng bawat relihiyon.
Kung ang isang tao ay hindi naniniwala sa kaluluwa, nangangahulugan na wala siyang relihiyon.
Bakit?
Sa personal kong paniniwala, ang paniniwala sa KALULUWA ay kakambal sa paniniwala at pananampalataya na mayroon isang Diyos.
Malinaw  ngayon—ang aking sagot.
Dahil isa akong debotong Katoliko, naniniwala ang inyong abang-lingkod sa KALULUWA.
Ganun lang kasimple ang sagot dun.

---$$$--
SA totoo lang, komplikado ang tanong kapag hindi sa ganyang sistema sinagot ang naturang pag-urirat.
Luminaw lang, kasi’y ikinambal ko ito sa pagkakaroon ng Diyos.
Ang depinisyon kasi ng RELIHIYON—ay ang organisadong pag-unawa sa RELASYON ng KALULUWA ng TAO at Diyos.
Medyo iba ang ating depinisyon kaysa sa popular na depinisyon ng mga pari at pastor.
Sa mga pari at pastor, imbes na KALULUWA—ang ginagamit nila ay RELASYON ng “TAO” at DIYOS”.
Kapag yan ang ginamit ko, magiging komplikado at mahihirapang unawain ang aking sagot.
Ang pagiging “tao” kasi ay masalimuot.
Maraming aspekto ito na hindi mismo nauunawaan ng mismong tao.
Kapag ang isang tao ay hindi naniwala sa Diyos, madaling sabihin na hindi siya naniniwala sa KALULUWA.

------$$$--
PERO, aaminin ko, hanggang ngayon ay nagsasaliksik ako kung ano ba talaga ang kaluluwa at ano rin ang Diyos?
Sa personal na pagsasaliksik at pagsusuri sa mga personal kong kaibigan na  HINDI NANINIWALA sa Diyos, naikakambal ko rin na hindi sila naniniwala sa KALULUWA.
Nag-uugat ang pagdududa sa pagkakaroon ng Diyos sa pagdududa sa pagkakaroon ng kaluluwa.
Mahirap malaman kung may DIYOS o wala—kasi’y hindi natin alam kung saan siya MATATAGPUAN.
Pero, ang KALULUWA kung susuriin mo, pag-aaralan mo at hahanapin mo—ay madali mong MASUSUMPUNGAN.
Bakit?
Taliwas sa Diyos na hindi mo alam kung nasaan, ang KALULUWA—ay alam na alam mo kung saan matatagpuan—ito ay hindi ba’t nasa SARILI mong pagkatao?
Hindi mo na kailangang magtanong sa ibang tao, kung ikaw ay nagtatanong at naghahanap sa KALULUWA.
Dapat ay alam mo , nauunawaan mo, at nararamdaman mo ang iyong KALULUWA.
Kapag hindi mo nararamdaman ang KALULUWA—gayung “MAYROON KA”, malinaw na hindi mo rin mararamdaman ang DIYOS.
Pero kapag nauunawaan mo at nararamdaman mo ang sarili mong kaluluwa, walang duda, MAYROON KANG DIYOS.

-----$$$--
MAY  akong kaibigang matalik na isang DOKTORADO at isang SCIENTIST, duda ako kung mayroon siyang DIYOS.
Hindi ko siya masisisi, dahil sa aking pagsasaliksik, maraming SCIENTIST ang hindi naniniwala sa EXISTENCE ng Diyos.
Iisa lang ang paliwanag ko, maaaring hindi sila naniniwala sa Diyos dahil wala silang makitang physical evidence sa pagkakaroon ng Diyos.
At naido-double check nila ang paniniwalang WALANG DIYOS, kasi’y wala rin silang makitang physical evidence sa pagkakaroon ng KALULUWA o mismo sa “pagkakaroon nila ng sariling kaluluwa”.
Maaaring bigo sila sa pagtuklas ng ebidensiya sa DIYOS—kasi’y hindi nila alam kung saan ito matatagpuan.
Ang nakapagtataka, kung ang KALULUWA ay nasa BAWAT nilalang, bakit ang mga SCIENTIST ay hindi makatuklas ng physical evidence sa pagkakaroon ng KALULUWA—gayun dapat ay naroon ito sa kanilang PAGKATAO.

-----$$$--
SA ngayon, abalang-abala ang pinakahuhusay at pinakadalubhasang scientist sa pag-e-experiment sa Large Hadron Collider sa dambuhalang laboratoryo na sa kailaliman ng mga bulubundukin sa Europe.
Naghahanap sila ng physical evidence sa tinatawag na HIGGS BOSON o mas kilala bilang GOD’S PARTICLE.
 Binansagang itong GOD’S PARTICLE—sapagkat mauunawaan na nila kung bakit ang isang bagay o MATTER—ay nanatiling buo at patuloy na GUMAGALAW—tulad ng LIVING THINGS.
Pero, hindi sinasabi sa ulat na “HINAHANAP NILA ANG DIYOS”, kundi ginamit lang nila ang pangalan ng DIYOS—sa isang bagay na walang ebidensiya at hindi nila MAUNAWAAN NANG LUBOS.
Isang makabuluhang araw ng mga PATAY at Araw ng Kaluluwa sa inyong lahat—may KALULUWA man kayo o wala.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar Newspaper, Nov. 01, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo on twitter/ 09173525272).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home