Friday, November 23, 2012

DEC. 21, 2012: "WAKAS" NG MUNDO, POSITIBOl


MAGTATAPOS ang kontrobersiyal na Mayan Calendar sa Disyembre 21, 2012—-inaakalang PAGWAWAKAS NG MUNDO.
Sinikap ng mga iskolar na i-decipher ang teksto sa hula ng Mayan Calendar na pinakamatanda at pinamaunlad na sibilisasyon sa sinaunang panahon at natuklasan nilang, hindi pagkagunaw ng mundo ang kahulugan nito, bagkus ay PAGTATAPOS ng isang yugtong mahabang panahon sa kalendaryo.
Pero, ito ay simpleng sintido-kumon din kung susuriing mabuti.
Walang iniwan ito sa pagtatapos ng tradisyonal na kalendaryo tuwing Disyembre 31; pagtatapos ng buwan; pagtatapos ng isang linggong singkad; pagtatapos ng 24-oras; pagtatapos ng sikat ng araw sa kinahapunan at pagtatapos sa pagbilang ng mga numero tuwing IKASIYAM na bilang.
Ang tanong: May nagaganap ba tuwing matatapos ang isang yugto?
Sa matematika, physics at siyensiya—-pag may NAGWAWAKAS, siyempre, may nagsisimula.
Iyan din mismo ang paliwanag ng iskolar at santo ng Simbahang Katoliko na si St. Francis de Assissi: Nasa kamatayan ang pagsilang; nasa pagwawakas ang pagsisimula.
Sa Disyembre 21—-dapat ay asahan natin at paghandaan ang ISANG PAGSISIMULA.
Walang argumento dyan. Napakalinaw niyan!
Nagkakatalo lamang o nagkakaroon na isyu sa iisang bagay: Negatibo ba o positibo ang PAGBABAGO na magaganap?
Wala tayong problema, kapag positibo.
Puwede nating hindi paghandaan ang POSITIBO, pero siyempre, higit nating dapat paghandaan ang NEGATIBO.
Sa totoo lang, batay sa PHYSICS, walang matter o bagay na puro positibo; at siyempre wala ring pisikal o sitwasyon puro negatibo.
Iisa ang malinaw, walang duda, makakaranas ang buong mundo ng isang IBAYONG PAGBABAGO—sitwasyon man o PISIKAL na bagay.
Kasi’y puwedeng mauna ang positibo, pero puwede ring mauna ang SOBRANG NEGATIBO na ngayon lang nating mararanasan—sa porma ng trahedya at kalamidad!

(EDITORIAL ni Ka Ambo for Nov. 24, 2012 issue. Bulgar Newspaper, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter, bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home