Saturday, November 03, 2012

ELECTION:MOMENTUM, TREND, PEAK



MAINIT na isyu ngayon ay kung sino ang magwawagi sa labanang Barrack Obama at Mitt Romney sa US presidential election.
Nakakaungos nang bahagya si Obama.
Pero, ayon sa kampo ni Romney ang MOMENTUM ng hugos ng boto—ay papunta sa kanyang PAGWAWAGI.
Ano ba ang momentum?
Ano ang pagkakaiba nito sa trending?

-----$$$---
SA panahon ng pangangampanya ng mga kandidato sa 2013 election, mahalagang maunawaan ito ng mga tatakbo sa nalalapit na eleksiyon.
Mahalagang maunawaan ito,kasi’y ito ang pinagbabatayan kung mananalo o matatalo pa ang isang kandidato.
May naniniwala na mahirap mabago ang momentum o trending.
May naniniwala namang napupuwersang baguhin o baliktarin ang resulta nito.
Parehong tama paniniwalang iyan at yan ang magiging pokus ng ating pagtalakay.

-----$$$---
SA Google, ang momentum ay katagang pang-physics.
Momentum is the product of a body’s mass and its velocity. It is the impetus of a body resulting from its motion. It is a driving power or strenght.
It is a quantity of  motion of a moving body.
Ano naman ang trending?
It is the general direction in which something tends to move. A general tendency or inclination.
Sa mga depinisyon sa itataas, madaling maunawaan na may kaugnayan ito sa PAGKILOS o PAGGALAW ng isang bagay.
Sa politika, hiniram ang terminong MOMENTUM at TRENDING upang masukat o tantiyahin ang BILANG ng suporta o inaasahang boto ng isang kandidato at maisapantaha kung magwawagi ba siya o hindi.
Sa madaling salita, ginagamit ito upang madaling maunawaan o maikumpara kung SAAN PATUNGO ang resulta ng isang eleksiyon—papalakas ba o papahina ang suporta na tinatanggap ng isang kandidato ?
Mas may puwersa ang MOMENTUM kaysa sa terminong TRENDING.

----$$$--
MAS madali natin itong mauunawaan kung ikukumpara sa pagkilos o direksiyon ng isang NAHUHULOG na bagay mula sa itaas.
Maaari ring ikumpara sa isang bagay na unti-unting umaangat.
Sa wikang Tagalog, ang papaakyat ay tinatawag na PAPAIMBULOG.
Ang galaw na papaibaba ay tinatawag na PAPABULUSOK.
Malusog ang wikang Tagalog para madaling maunawaan ang momentum at trending na napakateknikal.
Ano ang mga bagay na pumapaimbulog at bumulusok?
Tama po kayo, EROPLANO, SARANGGOLA, KWITIS, BALA ng tirador at iba pa.
Sa madaling salita, hindi puwedeng gamitin ang katagang PAPABULUSOK kapag naglalarawan ng paitaas. Ang lahat ng papabulusok ay paibaba ang direksiyon.
Hindi rin maaring gamitin ang PAPAIMBULOG sa paglalarawan ng paibabang direksiyon.Ang lahat ng papaimbulog ay PAPAITAAS ang direksiyon.
Maraming reporter at editor ang hindi NAKAKAUNAWA nito lalo na ang mga NEWS  CAST sa radyo at telebisyon—at mga lengguwahe sa internet.

-----$$$---
SA depinisyon ng physics, nasusukat ang puwersang ng direksiyon batay sa BIGAT o MATERYAL o KORTE ng isang bagay na tinutukoy.
Ibig sabihin, ang BILIS ng isang bagay ay komporme sa kanyang BIGAT, MATERYAL o kayarian at KORTE.
Yan din ang batayan kung gaanong kabilis o ano ang direksiyon na tatahakin ng isang BAGAY na PAPAITAAS o PAPAIBABA.
Ngayon, inaangkin ni Obama na nakakalamang siya—pero may NATITIRA pang araw para sa pagbabago ng boto sa eleksiyon.
Masusukat ang MANANALO kung GAANO kalaki ang agwat ng suporta kay Obama kasi’y  ilang araw na lamang ay boboto na ang mga mamamayan.
Inaangkin naman ni Romney na mananalo kahit “medyo” naiiwan siya ni Obama dahil hawak niya ang MOMENTUM.
May halong matematika ang PAGTANTIYA dito.
Kasi’y komporme ang MOMENTUM sa bilis ng pag-angat ng suporta kay Romney.
Kapag batay sa simula ng kampanya ay mabilis na umangat ang suporta—ay maaaring magwagi.
Kumbaga, kapag dire-diretso ang pagkopo niya ng suporta mula nang magsimula ang kampanya—at nadodoble ito habang lumalapit ang araw ng eleksiyon—ay malaki ang posibilidad na magwagi siya.
Sa kabilang panig, kahit nakakalamang si Obama, pero ang malaking agwat ay regular o unti-unting nababawasan (imbes na madagdagan) mula  nang magsimula ang kampanya, ang MOMENTUM sa direksiyon ng pagwawagi ay pabor kay Romney.
Sa ngayon, hindi natin alam ang magiging resulta—sapagkat, WALANG AKTUWAL na datos tayo na mapagbabatayan.
Kumbaga sa karera ng kabayo—ang momentum—ay maaaring kapusin—kahit nasa unahan ka, maaari kang maging BANDERA KAPOS na maaaring maranasan ni Obama.
Sa kabila panig, maaaring RUMIMATE si Romney at matimpla niya ang momentum EKSAKTO sa FINISH LINE.
Sa totoo lang, may isa pang TERMINO na dapat pagbatayan kung PAPAIMBULOG ba ang direksiyon ng isang kandidato o papabulusok na ang kanyang kampanya.
Ito ang ay tinatawag na PEAK.
Ang PEAK—ay ang rurok ng IMBULOG at pag naabot ito, ay BUBULUSOK ang isang bagay o ang suporta sa isang kandidato.
Paano titimplahin ang PEAK upang makontrol ang direksiyon at MAGWAGI ang kandidato?
Tinitimpla ito batay sa petsa ng ELEKSIYON at sa klase ng akbidad na dapat ipatupad.
Iyan ang ating tatalakayin sa mga susunod na araw.
(BISTADO ni KA AMBO column, Bulgar newspaper, Nov. 04, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo on twitter/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home