Saturday, November 24, 2012

RUBBER STAMP (Made in Recto ave.) VS CHINA



LINSIYAK, pesteng Tsekwa ini.
Isipin mong imarka ng China ang mapa ng Spratlys at Himalayan sa mga pasaporte ng kanilang mga mamamayan upang palakasin ang pag-angkin sa mga naturang teritoryo na itinuturing na pag-aari ng ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Napikon ang Vietnam at Pilipinas sa pagmamarka ng Spratlys sa Chinese passport;  at nagalit naman ang India dahil isinama rin sa mapa ng China ang ilang bahagi ng Himalayan bilang kanilang teritoryo.
Pero nakapagtatakang hindi isinamanng China ang mga isla na pinag-aawayan naman nila ng Japan.
Takot talaga sila sa Japanese Imperial Army , pero di sila takot sa Pinoy at sa Bumbay.
Tulad ng dati-- DAKDAK, dakdak, at dakdak ang ginagawa ng Pilipinas.
Pero,  hindi dakdak ang ginawa ng India.
Desisyon at aksiyon ang ginawang resbak ng India.
Ang bawat pasaporte ng mga Tsino na pumupunta sa India—ay minamarkahan naman ng Indian immigration ng “MAPA NG INDIA” na sumasakop naman sa Himalayan na inaangkin ng China.
Yan ang tama, aksiyon at hindi dakdak.
Kumbaga, imbes na NGUMAKNGAK si PNoy, dapat niyang iutos agad sa Bureau of Immigration na magpagawa ng RUBBER STAMP (may okey sa Recto avenue, mura lang!!),  na imamarka rin sa PASAPORTE ng mga Tsino na papasok sa Pilipinas.
Nakaukit sa rubber stamp ang MAPA ng Pilipinas na sumasakop sa Spratlys, tingnan natin kung HINDI MASISIYAHAN ang mga Chinese sa ganyang diskarte.
Malaya ang sinumang bansa na MAGMARKA sa mga pasaporte ng sinumang DAYUHAN na pumapasok sa kanilang teritoryo.
Kung ang paniniwala ng China ay tama at wala silang nilalabag na batas, aba’y tiyak na TAMA rin ang ginawa ng INDIA na pwedeng kopyahin ng Pilipinas.
Ang problema, MAY YAGBOLS ba si PNoy na umaksiyon at magdesisyon nang ganyan klase ng diskarte imbes na DUMAKDAK NANG DUMAKDAK?
Hige lang.
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper for Nov. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home