Saturday, November 24, 2012

SA WAKAS, PAHINGA NA SI PNOY


MAINAM naman at nagdesisyon na si PNoy na MAMAHINGA.
Sinunod niya ang PAYO ng DOKTOR.
Yan ang GUDBOY!!!

-----$$$---
NANG marinig ang balita na MAGPAPAHINGA na si PNOY, hindi kaya NAGTATALON sa tuwa si Vice Jojo Binay?
Malamang.
Pero, nadismaya siya nang linawin ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na 2-DAY rest lang ang pahinga ni PNoy.
Ngekkk!!!!
Namutla lalo si Binay.

----$$$---
MALAKING bagay ang DALAWANG ARAW na pahinga.
Malaki-laking SCORE din yan sa computer games.
At ilang KAHA kaya ng YOSI ang maigugupo niya?

-----$$$--
TAMA po kayo.
Sinunod ni PNoy ang payo ng doktor na MAMAHINGA.
Pero nilinaw din ni Lacierda na hindi susundin ni PNoy ang payo ng doktor na TUMIGIL sa paninigarilyo.
Oooppss, kumbaga, PAHINGA ang kanyang KATAWAN, pero ang kanyang LUNGS ay patuloy na KAYOD-KALABAW sa paghigop ng malinis na hangin.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--
MAY nagtatanong:
May epekto ba kay PNoy kapag napagtibay ang SIN TAX na magtataas sa presyo ng sigarilyo?
Ang sagot: WALA.
Marami kasi siyang ISTAK.

-----$$$--
KUNG ang inyong abang lingkod ang tatanungin, ano daw ang MAIPAPAYO ko kay PNoy?
Biglang sumagi sa isip ko ang pinakapopular na naging doktor sa Balagtas, Bulacan na si DR. MARIO PUATU na akin ding kabarangay sa Barrio Longos.
Nang magkaedad siya nang sitenta –anyos ay bibihira na siyang MANGGAMOT.
Humina na kasi ang kanyang resistensiya.
Natuto siyang uminom ng alak at manigarilyo.
Pinayuhan siya ng KAPWA niya doktor na TUMIGIL sa paninigarilyo.
Ano ang ginawa niya?
HINDI po niya sinunod ang payo ng kapwa doktor.
Bakit? Ano ang kanyang katwiran?
Ang sabi niya: “Hindi ako titigil sa paninigarilyo, doon ako masaya. Bakit ako gagawa ng isang bagay na IKALULUNGKOT ko?, tutal ay lahat naman ng mga TAO ay BABAWIAN din ng buhay.”
Hindi ako ang may sabi niyan.
Hindi si PNoy ang maysabi niyan.
Isang batikang doktor ang maysabi niyan.
“Happy Yosi po!!”, hindi ako ang may “greet” niyan.
Dueto yan ni Kamatayan  at ni BIR Chief Kim Henares!!!
Kokolekta ng kaluluwa yung una; KOKOPO ng SIN TAX  yung huli!!
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper for Nov. 25, 2012 issue, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home