Monday, December 10, 2012

PACQUIAO- MARQUEZ IV: "SCRIPTED"

AYAW tayong tantanan ng mga text hinggil sa sinapit na pagkatalo ni Manny Pacquiao kaugnay ng ating pagtaya na na naghunos siya sa isang “mahusay na boksingero”.

Sa totoo lang, TANGING ang kolum na ito lamang ang nagsasabi na “nag-LEVEL-UP” ang performance ni Pacquiao kompara sa mga dati niyang laban.
Sa totoo lang, maganda ang dalawang huling laban ni Pacquiao, una kay Timothy Bradley, ikalawa ay kay Juan Manuel Marquez.
Parehong “may SISTEMA” ang kanyang estilo sa dalawang laban.
Hindi ito napansin ng mga SPORTS ANALYST.
Ang bagong taktikang ito ni Pacquiao—ay siya niyang dine-DEVELOP bilang paghahanda laban kay FLOYD MAYWEATHER.
Ibang isyu ang “pagkatalo” ni Pacman kay Marquez.
Ang nais nating bigyan pansin—ay aktuwal na MANIOBRA.

------$$$--
KUMBAGA, hindi tayo naniniwala na “kayang pabagsakin” si Pacquiao sa “overhead” punch na pinalampas sa ibabaw ng braso” sa ikatlong round.
Hindi ito nalalayo sa “suntok” sa pelikula ni Lito Lapid—TUMATALSIK ang kontrabida—at bagsak kahit WALANG PUWERSA.
Sa pelikula ay may tinatawag na “cue” bago ang “execution”—NAGDIKIT ang mukha ni Pacquiao at GLOVES ni Marquez—matapos TAPAKAN ANG PAA ng “fallen hero”.
Matagal sa lona si Pacman, sa iisang dahilan—walang iniwan ito sa  patutsadang MAHIRAP GISINGIN ang GISING!

------$$$--
BAKIT walang puwersa ang “knockout punch” ni Marquez?
Taliwas sa dakdak at pakuwentong analyses ng mga SPORTS COMMENTATOR, dapat ay  gumamit tayo ng matematiks, geometry at physics upang patunayan natin na WALANG “FORCE” o puwersa ang naturang suntok na sasapat upang “makatulog” ang MADIDIKITAN ng kamao ni Marquez.
Una, saan ba ang  “point of origin” ng naturang suntok ni Marquez?
Ang lakas ng puwersa—ay hindi nakikita sa KUNG SAAN TUMAMA ang suntok, bagkus ay kung saan NAGMULA ang suntok.
Sa pelikula, para ipakita ang “impact”—iniuutos ng direktor na i-closeup ang MUKHA na tatamaan ng suntok—at kapag nakita ng mga manonood na tumilamsik ang pawis, dugo at nangiwi ang BIKTIMA—iko-conclude ng AUDIENCE—na MALAKAS ANG SUNTOK.
Alam natin na “WALANG PUWERSA” ang suntok sa mga pelikula nina  Fernando Poe Jr at Lito Lapid, subsob at tulog ang kanilang sinusuntok.
Pero sa aktuwal at sa  physics, malakas ang PUWERSA ng suntok—kung MAY BUWELO.
Para makita ang buwelo—kailangan masukat mo kung saan nagmula ang suntok o ang saan POINT of origin ng KAMAO ni Marquez.
Suriin ninyo ang VIDEO, at mapapansin ninyo na ang orihinal na pinagmulan ng suntok ni Marquez mula lamang sa 18 inches hanggang 24 inches.
Meaning, mula sa “static point” (di gumagalaw na puwesto ng kamao) patungo sa PUNTO kung saan nagtagpo ang suntok at mukha ni Pacquiao—ay halos two-feet lamang.
Mag-eksperimento kayo—ang inyong kamao ay ilayo ninyo nang DALAWANG PIYE mula sa TARGET area—at kahit anong lakas nito—ibayo ninyo nang todo, walang gaanong puwersa ito.
Nang masuntok si Pacquiao sa 6th round, ang kamay ni Marquez ay naka-PERPENDICULAR (geometry), o naka-90 degree ang upper arm sa lower arm. Kumbaga, ang siko ay naka-VERTEX—o siya ang sulok ng triangle. Kumbaga, nakaliko ang braso ni Marquez imbes na nakatuwid—bago  suntukin si Pacquiao. Ang puwersa dito ay magmumula lang sa braso at siko kaya’t mahina ang impact nito.

----$$$--
PERO magmumula sa mga masel sa BALIKAT , biceps at triceps ang malakas na puwersa kung naka-180 degree (nakatuwid) ang upper at lower arms ni Marquez—magmumula ang BUWELO  mula sa ibaba malapit sa sahig  ng lona—at mula dito, iyan ang ibubuhos niyang puwersa sa mukha ni Pacquiao: Mula sa tuwid na upper at lower arms, unti-unting ililiko  papa-pendicular habang humihigop ang lakas patungo sa target. Iyan ang ubod nang lakas na magpapaospital kay Pacman!
Pero, subukin ninyo irebyu ang video clip ng laban—kapag  nakakita kayo ng BUWELO na ganyang kalayo bago pinakawalan ang suntok—maaaring LEHITIMO ang naturang suntok!!

----$$$--
HINDI iyan ang maririnig ninyong pagtaya sa DALAWANG MALAKING TV stations dahil  ayaw nilang KONTRAHIN ang propaganda ni Bob Arum.
Kasi’y ang dalawang TV network—ay may INTEREST sa mga promosyon ng laban ni Pacman.
Hindi ninyo maririnig ang ganyang pagtaya.
Hindi nila puwedeng ukilkilin ang isyu na “BIGAY ANG LABAN”—sapagkat masisira ang kanilang negosyo tulad sa pagkasira ng RAKET ni Arum at MAFIA sa Las Vegas.

----$$$--
PARA madali ninyong maunawaan ay ito ang SHORKAT:
Ipaghalimbawa nating NABALIKTAD ang sitwasyon.
Imbes si Pacquiao, ay si Marquez ang tumimbuwang sa IKATLO at IKAANIM NA ROUND.
Halimbawang si Marquez ang NAKATULOG nang ganoong katagal, ano sa palagay ninyo, mayroon pa bang PAG-UUSAPANG ika-5 laban? Ika-anim na laban? Ika-7 laban ng dalawang fighters?
Wala na. hindi ba?
Tapos na ang Pacquiao-Marquez racket ni Arum.
Magsalita kayo!!!!!

-----$$$--
INAAMIN ng mga eksperto na HINDI KAILANMAN naging malinaw ang posibilidad ng laban nina Pacquiao at Floyd Mayweather.
Kung talunin man ni Pacquoiao si Marquez—(kung wala si Mayweather) sino ang makakalaban ni Pacquiao na tatabo sila ng BILYON o MILLION DOLLARS?
Hindi ba’t wala?

-----$$$--
NGAYON, natalo at natulog si Pacquiao, hindi na KAILANGAN KAUSAPIN si Mayweather—kasi’y ang PACQUIAO-MARQUEZ 5TH ENCOUNTER—at sapat na upang MADOBLE ang income ni Arum, income ni        Marquez at income ni Pacquiao.
Sa totoo lang, dapat ay may KAPARTE ang kampo ni Pacquiao sa kinita ni Marquez—sapagkat, hindi naman siya talaga ang dapat NAGWAGI.
Dahil diyan, ang KONTRATA sa susunod na paghaharap ng dalawa—ay IDIDIKTA lamang ni Arum—at ang kampo ni Marquez—ay simpleng sasang-ayon lamang.
Kapag yan ang naganap at sitwasyon sa susunod na kontrata—iyan ang KUMPIRMASYON na “totoo ang tsismis” na BIGAY ANG LABAN.
Sa susunod na laban ni Pacquiao at Marquez—PATOK ULI SA TAKILYA—ang BAGONG SCRIPT ng TOP RANK.
Marami kasi ang hindi nakakaunawa ng PROFESSIONAL BOXING na hindi nalalayo sa PROFESSIONAL WRESTLING.
(BISTADO ni Ka Ambo, Bulgar newspaper for Dec. 11, 2012 issue. UNEDITED. Bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo on twitter/ 09173525272)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home