WATCHOUT: SCIENTIFIC PACMAN
SARI-SARI ang espekulasyon
kaugnay sa posibleng ending ng ikaapat na laban nina Manny Pacquiao at Juan
Manuel Marquez.
May nagtatanong, kung sino
raw ang palagay nating mananalo sa laban?
Walang duda si Pacquiao!
Bakit?
Simple lang ang dahilan:
EDAD!
Yun lang.
-----$$$--
TRENTA’Y NUWEBE (39) na si
Marquez samantalang treyta’y kuwatro (34) si Pacquiao.
Ang LIMANG (5) taong pagitan
ay napakalaking factor o batayan kung bakit madaling malaman kung sino ang
mananalo.
Ang lahat ay maaaring sumali
sa diskusyon at madali ninyong mauunawaan ang argumento.
Kasi’y papakiramdaman lang
ninyo ang iyong kalusugan nang kayo ay edad 39 at edad 34—kayo na mismo ang
sumagot—sa sarili ninyong kondisyon at sa sarili ninyong pakiramdam.
Kung magsusuntukan ba ang
inyong “sariling katawan”—unang Katawan ay ang iyong “Edad 34” kontra sa inyong
sariling katawan na “Edad 39” anyos—kayo na ang sumagot kung sino ang mananalo?
Maaaring sabihin ninyo na mas
MAY KARANASAN ang inyong katawan nang kayo ay edad 39 kompara nang kayo ay edad
34.
Pero ang boksing ay hindi
lamang KARANASAN kundi ang “kondisyon ng kalusugan”—na ang obvious na batayan
ay ang “BIOLOGICAL AGE”.
Kung ang karanasan ang
pagbabatayan—dapat ay hindi natalo ni Pacman sina Oscar de la Hoya, Marco Antonio
Barrera, Erik Morales at Antonio
Margarito.
Tinalo ni Pacman ang kanyang
mga kalaban dahil sa kanyang “MAS MALUSOG na katawan, hindi lang dahil sa
ensayo o kondisyon kundi dahil sa “BIOLOGICAL O PHYSIOLOGICAL AGE”.
-----$$$---
PANIBAGONG tanong: Paano
naman ang isyu na kontrapelo o hindi masagot ni Pacman ang
‘counter-punching-style” ni Marquez?
Sa mga huling laban ni
Pacman, hindi siya naging agresibo kaya’t pinagdududahan ng mga apisyonados na
nanibago sa kanyang taktika.
Sa totoo lang, ang hindi pagiging
agresibo—ay siyang mas TAMANG TAKTIKA sa
boksing.
Iyan kasi ang tinatawag na
SCIENTIFIC!
Kumbaga sa chess—bawal ang
ATAKE-NANG-ATAKE, ganyan din sa boksing.
At malinaw na NATUTO na si
Pacman.
Kasi’y ang kanyang”bagong estilo”
ay hindi na nalalayo sa estilo ng kanyang “future opponent” na si Floyd
Mayweather.
Kahit ninyo buwisitin o
kantiyawan na ‘PANGIT” at walang latoy ang laban ni Mayweather, hindi ninyo
mapipikon yan—kasi’y yun ang TIPIKAL NA SCIENTIFIC APPROACH.
Ibig sabihin, MAS MAGANDA ang
mga laban ni Manny Pacquiao—partikular sa kanyang naging laban kay TIMOTHY
BRADLEY—na naging MAINGAT pero “nagwagi sa puntos” matapos ang TECHNICAL PANEL
REVIEW”.
Marami lang ang nasorpresa o
hindi nagkagusto sa naturang estilo—pero yung ang pinaka-EPEKTIB—na pangontra
sa isang COUNTER-PUNCHING opponent—maging SARADONG-SARADO at huwag magbubukas
ng “opening” na siyang taktika ni Mayweather na na-PLAGIARIZED ngayon nina
Pacquiao at Freddie Roach.
Iyan mismo ang gagamitin ni
Pacman laban kay Marquez—kung ano ang ginawa niya kay Bradley.
Taliwas sa kanyang PRESS
RELEASE—hindi tayo maniniwala na SUSUGOD-NANG-SUSUGOD ni Pacquiao, bagkus ay
kalmante ito at mag-aantay ng “OPENING”.
-----$$$--
EPEKTIBO ang “scientific
approach” na ito—dahan-dahan pero nag-aabang, laban kay Marquez na isang
counter-puncher.
Hindi dapat pakinggan nina
Pacman at Roach ang mga apisyonados na SABIK sa dugo at marahas na bakbakan sa
ibabaw ng lona—dahil iyan ay isang UNSCIENTIFIC!
Hindi mahalaga dito ang
MAGING MASAYA ang apisyonados, ang mahalaga dito ay magwagi si Pacman.
Ibig sabihin,PAPAGURIN muna
ni Pacquiao ang MAY EDAD nang si Marquez.
Dahil mag-iipon siya ng lakas, kaya’t no choice
siya kundi kopyahin ang estilo ni Mayweather.
Mag-aabang siya ng indikasyon
kung KAILAN o saang round mapapagod si Marquez—at dun lang siya magiging
AGRESIBO—karaniwan dito ay matapos ang kalahatian ng laban—7th, 8th
o 9th round.
Iyan ay kung mapapagod agad
si Marquez, pero kung mahusay ang kanyang kondisyon, magkakaroon lamang ng knockout sa 10th, 11th o
12th round na karaniwang nasasaksihan sa sagupaan ng mga
pinakamagagaling sa boksing.
-----$$$--
MAHALAGANG aktuwal na magamit
o masubukan ni Pacquaiao ang SCIENTIFIC BOXING lalo pa’t ang susunod niyang
makakalaban ay ang PERFECT BOXER na si Mayweather.
Sa madaling salita, gamit ang
SCIENTIFIC boxing matatalo ni Pacman si Marquez bukas, Disyembre 9—at libreng
makakapag-ENSAYO pa siya kontra kay Mayweather.
Tama o mali ?
(BISTADO ni KA AMBO column, for Bulgar
Newspaper, December 08, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ bistadoniambo
on twitter/ 09173525272).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home