Friday, August 26, 2005

bilyar-dreams,abroad-palmistry (27aug05)

TIKTIK—for; aug 27 issue

01. NUMERO AT PANAGINIP


Dear Don Honesto,
BAKIT kaya madalas kong mapanaginipan na ako ay naglalaro ng bilyar? Kalaro ko raw ang aking ama at ina. Pero, nag-aagawan sila sa tako hanggang sa mag-away sila. Sinikap ko silang awatin pero ako ang napagalitan nila. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 3, 1980. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.



EDGAR NG LIPA CITY


Dear Edgar,
ANG ang bilyar ay repleksiyon ng iyong buhay. Nagsasabi ito na ikaw ay nasa proseso ng pagbabalik-tanaw sa iyong nagdaang buhay. Ang iyong ama at ina ay sumisimbolo sa iyong maturity. Ibig sabihin, pumapasok ka na sa panibagong yugto ng iyong buhay tungo sa maturidad kaya’t dapat na maging responsible ka sa iyong mga ikinikilos, ugali at desisyon. Kung nag-aaway ang iyong magulang, malinaw na mayroon kang inner conflicts kung saan hindi mo magawang disiplinahin ang iyong sarili, at nahihirapan kang magbago ng ugali at mga nakamihasnan. Nagpapahiwatig ang bilyar na ikaw ay nangangarap na matupad ang maraming pangarap kung saan mapapagitna ka sa masasalimuot na problema. Katapat ng bilyar ay No. 24; No. 10 ang tako; No. 18 ang away; No. 37 ang nanay; No. 49 ang tatay; No. 23 ang paglalaro; No. 33 ang pag-awat. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 3 ay maging martir pero matutupad ang mga pangarap sa kabila ng matinding pagsubok. Pinakabuwenas mo ang No. 3 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

HEAD:Mahaba ang buhay

Dear Sir Dennis,
NAGPA-ZEROX na rin ako ng guhit ng palad kasi’y nais ko ring malaman kung makakaahon pa ako sa paghihirap.Isa akong security guard at maliit lang ang suweldo ko. Balak kong magtrabaho sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Nangangarap kasi ako na mapagtapos ng pag-aaral ang tatlo kong anak, magawa ko kaya ito? Sino sa kanila ang magtatagumpay. Sa totoo lang, madalas akong makaramdam ng pananakit ng ulo at nagagambala ako, mahaba ba ang buhay ko? Ipinanganak ako noong Hunyo 5, 1960.


JAIME NG IBA. ZAMBALES

Dear Jaime,
MAKAKAAHON ka naman sa hirap kasi’y maraming guhit ang pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan at marami dito ay mapapakinabangan mo. Magagawa mo ring makapagtrabaho sa ibang bansa kasi’y mahaba ang naabot ng dulo ng Life Line at nagkaroon pa ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa bandang pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa lahat ng klase ng paglalakbay at sa trabaho sa malayong lugar. Kalmante ka lamang dahil mahaba ang buhay mo kasi’y hindi naman napatid o nagkaroon ng buhol ang iyong Life Line. Makakatapos ng pag-aaral at magtatagumpay ang iyong tatlo mong anak kasi’y pawang mahahaba at matitikas ang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home