Wednesday, August 24, 2005

dreams,numerology,palmistry,25augo5

01. NUMERO AT PANAGINIP

Head:Iginapos sa hagdanan

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po ang aking ina na galit na galit sa akin kasi’y gabi na ako nang umuwi ng bahay, pero hindi ako sumagot bagkus ay nagtatakbo na lamang ako sa aking silid. Dire-diretso lang ang pagsesermon sa akin. Nang tumahimik na siya ay unti-unti akong bumangon at nagtangkang lumayas kung saan dumaan ako sa bintana pero nahuli ako ng nanay ko. Kinuha niya ang lubig at iginapos ako sa tabi ng hagdanan. Nagsisigaw ako hanggang sa magising. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Ipinanganak ako noong Hunyo 6, 1985. Natigil ako sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sa pagbubulakbol. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

ARNEL NG TANDANG SORA, QC.

Dear Arnel,
ANG iyong ina ay nagsasabi na ikaw ay dapat na maging responsible sa mga ginagawa mo. Hindi ka dapat nag-aaksaya ng mahahalagang panahon. Kung nasermunan ka, malinaw ditto ay ikaw ay may guilty feelings sa mga magkukulang na ginagawa mo sa iyong sariling kapakanan. Kung dinedma mo lamang ang sermon ng iyong ina, malinaw ditto na maraming magagandang oportunidad ang hindi mo napapansin at naaksaya sa mga walang kuwentang aktibidad. Ang bintana ay nagsasabi na kailangang mabuksan mo ang iyong isip at puso kasabay ng pagkamulat sa mapait na katotohanan. Kailangang maging responsible ka sa mga ginagawa mo.Kung iginapos ka sa hagdanan, nagbabala ito na madidiskaril ang iyong pag-unlad at matitigil ka sa pag-aaral nang matagal kung hindi ka magpapakatino o magkakaroon ng disiplina sa sarili. Katapat ng galit ay No. 27; No. 49 ang nanay; No. 40 ang silid; No. 20 ang sermon; No. 18 ang pagkagapos; No. 23 ang hagdanan; No. 4 ang bintana. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay maging emosyonal kaya’t dapat na makontrol ang simbuyo ng damdamin. Pinakabuwenas mo ang No.6 at No.1. Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-27-30-35-40-42.
----30—


02. PALMISTRY

Head: Makakaahon sa hirap

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon pa ako ng tsansa na makaaahon sa hirap. Baon ako sa utang dahil isang ordinaryong empleado lang ako. Nag-aaral ang dalawa kong anak at ayaw ko naming patigilin sila sa pag-aaral. Binabalak kong magtrabaho sa ibang bansa, matupad ko kaya ito? Sino sa mga anak ko ang makakatapos ng kolehiyo at magtatagumpay. Ano bang negosyo ang buwenas sa akin? Ipinganak ako noong Nobyembre 22, 1970.


JONES NG APALIT, PAMPANGA

Dear Jones,
MARAMI kang pagsisikap sa buhay. Lahat ng paraan ay gagawin mo makaahon ka lamang sa pagdarahop. Walang duda na makakakarekober ka at giginhawa ang buhay. Marami kasing guhit na pumaitaas mula sa Life Line (tingnan ang bilog sa gitna). Nagsasabi ito na maraming oportunidad ang kakatok sa iyong pintuan at marami rin ditto ay magagamit mo sa iyong pag-unlad. Makakatapos naman ng pag-aaral ang iyong dalawang anak at makakatulong sila sa iyong pag-unlad. Kapwa kasi malinaw at matikas ang dalawang guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa kalamnan ng hinlalaki). Ituloy mo lamang ang paga-apply mo ng trabaho sa ibang bansa dahil matutuloy ka. Mahaba kasi ang naabot ng dulo ng iyong Life Line at nagkaroon ito ng mga sanga (tingnan ang bilog sa banding pulso). Nagsasabi ito na buwenas ka sa pagbibiyahe at makakaipon ka ng malaking halaga.. Buwenas ka sa negosyo na may kaugnayan sa sikat ng araw kasi’y may guhit na pumaitaas sa banding ilalim ng palasingsingan (tingnan ang bilog sa banding ilalim ng ring finger).

----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home