Wednesday, August 24, 2005

gusi ng ginto

Bulgar—25aug05

Bistado

Gusi ng ginto
ng anti-GMA congressman.
Pero, bigo pa rin sila sa target na BILANG.
Kailangan ninyo ngayon si Garci—mahusay siyang MAGBILANG.

----$$--
HINDI malaman kung nasaan si Atty. Sammy Ong.
Nalipasan na siya ng USO.

----$$--
TAHIMIK na rin si Sgt. Vidal DOBLE.
Baka doble- doble ang PASAK sa kanyang bunganga.

----$$---
ISA pang testigo na may malaki kaysa kay Michaelangelo Zuce ang ililitaw ng oposisyon.
Puwede natin siyang tawaging PADLOCK.

-----$$--
TEPOK ang 37 pasahero ng isang eroplano sa Peru.
PERU, ayaw pa rin nilang aminin na sanhi ito ng TERORISMO.

-----$$--
ITINANGGI ni US Prez George Bush na panibagong VIETNAM ang Iraq.
He, he, he, bayaan nating MALIPOL ang US troops nang walang kalaban-laban.

----$$--
KUNG imumulat lang ng mga Pinoy ang kanilang isip kaugnay ng PAGSAKOP ng US sa Iraq—ganyan-na-ganyan mismo ang pananakop na ginawa sa Pilipinas ng mga Kano.
Idinedeklarang BANDIDO, TULISAN at REBELDE ang ating mga tunay na bayani.
May topak lang ang mga nauupo sa Malacanang dahil lahat sila ay NAGPAPALOKO sa mga Kano.
Pweeee!

-----$$--
IPINAGYAYABANG ni Edward Hagedorn ng Palawan na kaya niyang IPATIGIL ANG JUETENG.
He, he, he, nadagdagan na naman nang ISA ang bilang ng JUETENG LORD.

----$$--
IPAPALIT daw sa jueteng ang BINGO COMBO.
Iyan din ang sinabi nilang nang ipakilala ang 2-BALLS at LOTTO.
Imposible yan, kasi’y mawawalan ng CAMPAIGN FUND ang mga politico.
At mawawalan ng GUSI ng GINTO ang mga parak.

------30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home