Tuesday, August 23, 2005

galaw ng numero, 24aug05

For: aug 24 issue


Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1970. Isa akong yaya pero maliit lang ang suweldo ko. Gusto kong magtayo ng sari-sari store kapag nakaipon ako dahil ayaw ko nang magkaroon pa ng amo. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo ako gabay sa pagtatagumpay. Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa jai alai at lotto.


MARINA NG CEBU CITY

Dear Marina,
NUMBER seven (7) at six (6) ang mahihiwagang numero na bumabalot sa iyong buhay. Buntala ng Neptune at Venus ang kumukubabaw sa iyo. Buwenas ka sa kulay berde at maroon. Likas kang mabait at madaling maimpluwensiyahan ng kapwa kaya’t karaniwang nabibiktima ka ng manloloko. Dahil dito, darami ang karelasyon mo kung kaya’t ipinapayo sa iyo na mag-asawa ka nang may edad na o matured na upang makapagtindig ka ng masaya at masaganang pamilya. Masyado kang emosyonal kaya’t mas mainam kung ang pagtitinda ay gagamitan mo rin ng emosyon. Kaibiganin mo ang mga suki sa pamamagitan ng pakikipag-tsikatsika sa kanila at mas epektib kung papasyalan mo sila sa kanilang mga bahay. Kapag dumami ang suki mo—at magbabayad sila nang maayos—mabilis kang uunlad.Sila rin ang magbibigay sa iyo ng mga oportunidad sa pag-unlad. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Miyerkoles.Sa jai alai, isama mo sa No. 7 at No. 6 ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-15-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 3-7-1/ 3-7-2/ 1-3-7/ 8-2-1. Wiretips: 3-5-7/ 8-9-3/ 1-2-7. Double digit: 3-7/ 4-7/ 1-2/ 8-2. Luzon guide: 3-7-11-19-23-27-34-37-40-42. VisMin: 3-7-11-19-23-25-34-37-40-42. MegaLotto: 2-6-11-19-23-28-34-37-40-42. Four Number: 4-7-2/ 1-3-7/ 8-9-2. Coded tips: mangga- santol- mansanas/ blue- black – brown/ n-d-r.
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home