Wednesday, August 24, 2005

bertud sa berde't pula, 25aug05

For: aug 25 issue


Dear Oliver,
MADALAS po akong magbasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Isa akong dating sacristan pero umalis na ako kasi’y mamamatay sa gutom ang mga magulang ko kasi’y maliit lang ang suweldo. Namamasukan ako ngayon bilang waiter. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 16, 1982.Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


CECILIO NG DUMAGUETE CITY

Dear Cecilio,
BERDE at pula ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ibinabadya ng berde. Kulay ito ng luntiang dahon kung saan hindi mabubuhay o mapapakinabangan ng halaman kapag hindi nasikatan ng sinag ng araw. Ganyan din ang iyong buhay, mabibigo ka kapag nagsosolo kang nagtatangka. Kailangang lagi kang may kasama o alalay o katuwang sa bawat pagkilos. Makakaranas ka lamang ng pag-angat sa buhay sa panahon ng iyong pag-aasawa. Ang pula ay kakulay ng dugo na nagpapahiwatig din ng simbuyo ng damdamin at katapangan. May sobra-sobra kang lakas ng loob pero kailangang makontrol mo ito upang hindi ka mapahamak.maging praktikal ka. Buwenas ka sa negosyo o larangan na may kaugnayan sa apoy tulad sa restaurant, welding shop o iba pang tulad nito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2007 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na trabaho at pag-aasawa. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 4, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Linggo. Numero siete (7) at nuwebe (9) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 2. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-28-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-20-23-27-30-33-38-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 8-9-2/ 1-2-5/ 8-9-2. 6-digit: 4-3-5-8-1-2/ 8-9-1-4-5-6/ 1-2-1-7-8-2. Bingo Mystery Eight: 4-7-23-35-44-57-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang siete (7). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa asul at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa nuwebe (9) at sais (6).
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home