Friday, August 26, 2005

tipid, iraq (27aug05)

Head:may titipirin ba?


DUMIDIKIT na sa $70 kada bariles ang presyo ng krudo sa world market!
Higit sa TSUNAMI ang epekto nito sa buong mundo.

-----$$--
PINAGTITIPID ng Malacanang ang mga mamamayan bilang sagot sa KRISIS.
May matitipid ba ang mga WALANG PERA?

----$$--
LANTARAN naman ang pagluluho ng gobyerno kung saan nakasakay sa magagarang kotse ang mga ehekutibo.
Pukawnamooo!

----$$---
KALMANTE si Ate Glo na maibabasura ang Impeachment.
Ganyan din ang pagiging KALMANTE ni Pareng Erap bago napatalsik.

-----$$--
MAGIC 79 ang hinahanap ng oposisyon.
Nakupp, kailangang madagdagan pa ito ng isa para maging 80.
Iyan kasi ang MALAS na numero ni PGMA.

----$$--
IKINATUWA ni Sen. Miriam ang pagbaliktad ni Sen. Johnny Enrile tungo sa administrasyon.
Hindi niya alam, makakaribal niya ito sa SENATE PRESIDENCY.

-----$$--
WALA palang budget ang CHACHA sa 2006 allocation.
Talagang NILOLOKO nila ang publiko.
At ang sarili nila MISMO.


-----$$--
ISINOLI na ng CIDG at ISAFP ang election returns na pag-aari ng oposisyon.
Ganun lang ba yun?
Mga buhonnnnnG!


-----$$--
AABOT sa siyam na milyong Pinoy ang may DIABETES.
Panahon na para ipagbawal ang SOFTDRINKS.

----$$--
ISASAILALIM na sa land reform program ang Hacienda Luisita ni Tita Cory.
Ito na ang TOTOONG AWAY.

----$$--
DEDBOL ang isang Pinoy sa Iraq.
Buti nga isa lang.

-----30—

EDITORIAL

HEAD:


NAPATAY ang isa at dalawa ang sugatang Pinoy sa Iraq.
Hindi biro ito.
Isa itong babala.
Dapat ay higpitan pang mabuti at iseryoso ng gobyerno ang pagbabawal sa mga OFWS na pumasok sa Iraq.
Sa totoo lang, kasi si US President George Bush ay isinusumpa ng mga Kano particular ang mga naulila ng mga US troops na kinatay sa Baghdad pero nagmamatigas pa rin siya na panghimasukan ang soberaniya ng ibang bansa.
Kung mayroon mang pinakamasamang gobyerno sa balat ng lupa, ito ay ang mga United States dahil ginagamit nitong lisensiya ang “demokrasya” upang bastusin ang kalayaan ng ibang bansa.
Hindi mapapatawad ng kasaysayan ang pang-aabuso ng America at darating ang panahon na siya ang ituturing na ikalawang Hitler ng kasaysayan dahil sa libo-libong inosenteng sibilyan ang minamasaker sa Iraq at Afghanistan.
Nakapagtatakang nakikipagkutsaba sa kanya ang Britain, Australia at maging ang Pilipinas.
Ngayon pa lamang ay dapat nang lumayo ang Pilipinas sa pundiya ni Uncle Sam kung ayaw nating madamay sa Karma ng mga halang ang bituka.
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home