Thursday, August 25, 2005

birds, sex act, 26aug05

Head:Endangered birds

HALOS ISANG BILYON PISO ang interest kada araw sa utang ng Pilipinas sa mga international financing institution.
Pukawnamooooo!

----$$---
HINAHANTING ng DENR ang mga sangkot sa pagbebenta ng ENDANGERED BIRDS.
Kasama kaya dito ang mga BIRDS na nasa pagitan ng mga hita?

-----$$--
TULUYAN nang bumalimbing ang dating opposition leader na si Sen. Juan Ponce Enrile.
Magkano kaya?

----$$---
NAKAKUHA ng temporary restraining order si Cavite Gov. Ayong Maliksi.
MALIKSI talaga siya.

-----$$--
SUSUPORTA daw ang 20 congressmen ng Nacionalista Party sa Impeachment kontra Ate Glo.
He, he, he, baka nagpapalaki lang ng PRESYO.

-----$$---
IBABAON dawn g todo ang mga jueteng lords sa panibagong star witness ng oposisyon.
Nakupp, magugunaw ang mundo, pero di ninyo matitinag ang JUETENG.

----$$---
ISANG popular PLAY ang na-SOLD OUT ang ticket sa London kahit hindi alam kung ano ang PANONOORIN nila.
Pero, tungkol ang PALABAS sa “LIHIM AT PAGSISINUNGALING”.

-----$$--
DALAWA pang hepe ng pulisya dahil sa JUETENG.
Kaawa-awa sila, NAISAKRIPISYO.

----$$$--
BINABOY pala ni MMDA Chairman Bayani Fernando ang isang miyembro ng Viva Hot Babe at nakuhanan ng litrato ang MALALASWANG EKSENA.
Napahamak siya ng SOBRANG LIBOG!

-----$$$--
MAGDEDEKLARA raw ng Martial Law si Ate Glo.
Imposible ito.
Dahil idinideklara lang ang Batas Militar ng mga pangulo na “MAY BAYAG”.


------30---


EDITORIAL

Head:
Sex Act okey

WALA raw malisya ang eksena kung saan nakasubsob ang mukha ni MMDA Chairman Bayani Fernando sa dibdib ng isang miyembro ng Viva Hot Babe bukod pa sa hinahalikan ang nalabas na bandang ibaba ng balikat na nalathala sa isang pahayagan.
Inabsuwelto agad ng Malacanang si Ka Bayani sa pagsasabing bahagi ito ng “laro” sa isang fund raising drive na dinaluhan ng dalawa.
Nakakahiya ang ganitong eksena pero binalewala lamang ng Malacanang ang kapilyuhan ni Ka Bayani.
Dapat ay kastiguhin o gumawa man lamang ng paunmanhin si Ka Bayani sa publiko dili kaya’y sa mga kabataang nakakita ng naturang larawan.
Kahit sino ay malalaswaan sa gayong eksena pero dedma lamang dito si Ate Glo.
Grabe ang diskarte ng kasalukuyang administration dahil bukod sa pagkunsinte sa pagnanakaw sa gobyerno, ismagling, sugal, prostitusyon pati ang pambababoy sa mga kabataang babae ay itinuturing na isang karangalan.
Sa bagay, kung inabsuwelto man ng Malacanang si Ka Bayani, maabsuwelto rin kaya siya ng kanyang misis?
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home