Thursday, August 25, 2005

dilaw, berde sa networking,26aug05

For: aug 26 issue

Dear Oliver,
HIWALAY ako sa asawa at ako lamang ngayon ang bumubuhay sa aking dalawang anak. Pero, sa totoo lang, livein lang kami ng mister ko. Hindi siya nagbibigay ng sustento at hindi rin dumadalaw sa kanyang mga anak. Isa akong officer worker pero maliit lang ang suweldo ko. Sumasali ako sa mga networking business, klik ba ito sa akin? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. Ipinanganak ako noong Setyembre 4, 1960.


JOSEPHINE NG TACLOBAN CITY

Dear Josephine,
DILAW at berde ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kakulay ng sinag ng araw ang dilaw na nagsasabi na ikaw ay makakatanggap ng mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Pero, makakaranas ka rin ng paulit-ulit na dagok ng buhay na maaaring sumira sa iyong diskarte na siyang didiskaril ng iyong malalaking buwenas. Sikaping mapanatag sa gitna ng malalaking problema upang mahigop mo ang buwenas sa porma ng magagandang oportunidad tungo sa pag-unlad. Kung mahilig ka sa networking, magsuot ka lagi ng kulay dilaw at berdeā€”at mahihigop mo ang mga positive prospects. Magparami ka ng kaibigan at bagong kakilala. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay at bagong pag-ibig. Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 16, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Miyerkoles at Biyernes. Numero kuwatro (4) at dos (2) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-23-26-34-37- 40. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 2-5-11-18-20-23-27-30-34-37-40-42. Triple Number: 4-7-2/ 1-3-9/ 7-5-6/ 2-1-6. 6-digit: 6-7-2-3-1-5/ 7-9-2-2-3-6/ 1-2-5-6-2-2. Bingo Mystery Eight: 2-16-23-36-46-56-70-75. Mapalad ang siete (7) kapag nakasulat sa dilaw at nasa unahan ang nuwebe (9). Okey ang kuwatro (4) kapag nakasulat sa itim at nasa hulihan ang dos (2). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa sais (6) at uno (1).
----30-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home