Wednesday, August 24, 2005

Pineda 4 president?

BULGAR EDITORIAL (Aug25,2005)

Nakakatawa ang bagong anti-jueteng czar na si Edward Hagedorn.Bilib ang marami kay Hagedorn dahil napatigil kasi niya ang jueteng sa Palawan.Lingid sa kaalaman ng iba na isang dating suspected jueteng operator si Hagedorn kaya’t nang kumandidato at manalong mayor sa Puerto Princesa ay nawala ang jueteng.Paano naman kasi ang dating suspected jueteng lord ay nagging public official.Ngayon, kung naniniwala ang mga tao na si Bong Pineda ang tunay na Lord of lords ng jueteng sa Pilipinas, dapat ay irekomenda nating palitan niya sa Malacanang si Ate Glo—tiyak tigil ang jueteng tulad ng diskarte sa Palawan.Kasi’y magiging Pangulo ng Republika ang isang dating suspected jueteng lord.
Ganyan lang kasi kasimple ang lohika kung paano nagging epektib si Hagedorn.May talab ba si Hagedorn sa mga lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao?Pero kung totoo ang hinala kay Pineda, mas dapat siyang italaga bilang anti-jueteng czar.Ganyan din ang lohika nang italaga si Gen.Victor Corpus sa ISAFP.Matapos siyang bumaliktad sa CPP-NPA at nagbalik-loob sa AFP ay itinalaga siyang intelligence czar.Nakakatawa ang mga Pinoy.Walang magawang mabuti.Kasi’y hindi nila matanggap na ang jueteng ay higit na mas MALAKI kaysa sa Republika ng Pilipinas.Sa totoo lang, ang gobyerno ng RP ay UTONG lamang ng isang dambuhalang bundok ng jueteng.Itanong ninyo yan kay Ka Roger, dahil nabubuhay din ang CPP-NPA-NDF sa intelehensiya mula sa jueteng.Nagdedebate kayo sa jueteng?Lokohin ninyo ang lelong n’yo!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home