Monday, August 22, 2005

berde at dilaw sa uniporme

(TUMBOK, 23AUG05)

Dear Oliver,
MATAGAL na akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon din ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Marso 11, 1960. May dalawa akong anak pero maliit lang ang suweldo. Mapagtapos ko kaya sila sa pag-aaral sa kolehiyo.Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Ano ba ang buwenas na kulay na magagamit ko sa itinatayo kong karinderia? Ano ba ang masusuwerte kong numro lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto. FELIX NG BORONGAN, SAMAR

Dear Felix,
BERDE at dilaw ang mahihiwagang kulay na magagamit mong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng iyong buhay. Kasariwaan at kasiglahan ang ipinahihiwatig ng berde. Kakulay nito ang luntiang dahon na hindi mabubuhay nang hindi masisikatan ng araw. Ganyan din ang iyong kapalaran, kailangan mo ang pag-asiste at pagdamay ng kapwa tao, iiangat ka ng iyong mga kaibigan sa pag-unlad kaya’t mahalagang matuto kang makisama, umunawa at matulungin. Maraming oportunidad ang iaalok ng iyong mga kakilala na siyang magiging pundasyon ng iyong pagtatagumpay. Kung magtatayo ka ng karinderia, kulayan mong ng pink ang dingding, blue sa kisame pero ang mga tauhan mo ang pag-unipormehin mo ng t-shirt na kulay berde at dilaw—magugulat ka sa buwenas na lalapit sa iyo. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong ito, 2005 pero uulit sa taong 2008 at 2009 kung saan magkiklik ang iyong negosyo.
Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Setyembre at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 18, 23, 27 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Huwebes. Numero dos (2) at kuwatro (4) ang buwenas mo.
Sa jai alai, isama mo ang No.10. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-11-19-22-29-34-37-40-42. PARA sa masusuwerteng numero: Magic 12: 3-7-11-19-22-26-29-33-34-37-40-42. Triple Number: 3-2-5/ 7-8-2/ 1-3-5/ 6-digit: 4-3-6-2-1-1/ 7-8-2-3-2-1/ 7-8-2-3-2-1. Bingo Mystery Eight: 3-23-35-44-56-67-70-73.Mapalad ang sais (6) kapag nakasulat sa black at nasa unahan ang nuwebe (9). Mainam ang kuwatro (4) kapag nakamarka sa berde at nasa hulihan ang uno (1).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home