Tuesday, August 23, 2005

koalisyon

Bulgar 24aug05

Bistado

ITITIGIL daw ang jueteng operations sa Setyembre 15.
Ha! Ha! Ha!

-----$$--
NAHATI na naman ang Cavite.
Nabuhay ang bagong Magdalo at Magdiwang.

----$$--
PAAANDARIN ang MRT at LRT kahit sa madaling araw.
Dagdag trabaho ito sa mga ISNATSER at HOLDAPER.

-----$$--
PABOR si Sen. Miriam Santiago na palayain si Pareng Erap gamit ang PIYANSA.
Mukhang babaliktad na naman si Taray.

----$$--
PINASUSUSPINDE ni DPWH Swc. Hermogenes Ebdane ang pagre-release ng ROAD USER’S TAX.
Baka hindi na malinas ang kanyang MAKUKURAKOT.

-----$$--
MAY bagong star witness sa jueteng payola na ihaharap si Sen. Nene Pimentel.
Hindi kaya ito ay mismong si Big Mike?

-----$$--
KUMITA raw ng $10 milyong ang Bureau of Immigration (BI) sa alien legalization scheme.
Huhhh, dati na yan, ah?

----$$--
HINDI garantiya ang pagbasura sa impeachment sa pagtiyak na mananatili sa Malacanang si Ate Glo.
Baka ito pa mismo ang maging MITSA ng isang panibagong rebolusyon.

---$$--
TIG-P90 milyon daw ang matatanggap ng mga pro-GMA congressman.
Yes, ma’ am, yes ma’am!

-----$$$---
PUMAYAG daw si Ate Glo na paikliin ang kanyang 6-year term.
Huhhh, di kaya panibagong kaso ito ng PAGSISINUNGALING?

----$$---
NAGRESERBA dawn a raw ng espesyal na SILID si Pareng Erap sa kanyang Tanay Mansion para kay Ate Glo.
Huhhh, nakakapa-PANIC ka naman ah.
At nakakaaasar.

---30—

1 Comments:

Blogger bistado said...

kumusta

Tue Aug 23, 02:27:00 PM  

Post a Comment

<< Home