Tuesday, August 23, 2005

mystic yellow n gray , 24aug05

For: aug 24 issue

Dear Oliver,
NAIS ko ring magkaroon ng mahihiwagang kulay na magagamit kong bertud sa paghatak ng magandang kapalaran at pagbabago sa takbo ng aking buhay. Ipinanganak ako noong Nobyembre 22, 1970. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Balak kong magtayo ng computer rentals, ano ba ang buwenas na kulay para sa puwesto? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Isa akong family driver at gusto ko nang mag-resign sa pamamasukan. Ano ba ang buwenas kong numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.

MARIO NG DAVAO CITY

Dear Mario,
DILAW at abuhin ang mahihiwaga mong kulay. Nagsasabi ito na ikaw ay may sobra-sobrang resistensiya at enerhiya na pangatawanan ang anumang responsibilidad na siyang magiging pundasyon mo sa pagtatagumpay. Makakatanggap ka ng mga pambihirang buwenas na wala sa ordinaryong tao. Kailangang manatili kang mabait at kalmante upang mahigop ang suwerte . Ang abuhin o gray ay nagsasabi na ikaw ay kailangang maging alalay o amuyong lang ng mga sikat o matatagumpay tao at simpleng mahihigop mo ang suwerte ng iyong paligid kabilang ang iyong mga amo. Hindi ka pa dapat magbitiw hangga’t wala ka pang malaking ipon, at kapag may puhunan na, maghanap ka naman ng isang alalay na makakasama mo palagi sa mga lakad at transaksiyon. Lagyan mong desenyo ng gulong o wheel of fortune ng Tarot card ang logo ng iyong computer shop upang mahigop mo ang buwenas. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hunyo at Disyembre lalo na sa mga petsang 4, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes. Numero kuwatro (4) at singko (5) ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 3-7-12-18-23-26-34-38-40-42. PARA sa masusuwerteng numero; Magic 12: 1-5-11-18-20-23-27-33-34-38-40-42. Triple Number: 4-3-7/ 1-2-5/ 7-8-2/ 6-digit: 3-2-1-5-2-2/ 7-8-2-2-1-1/ 1-2-1-2-5-2. Bingo Mystery Eight: 3-15-33- 44-56-67-70-74. Mapalad ang tres (3) kapag nakamarka sa itim at nasa unahan ang sais (6). Okey ang siete (7) kapag nakasulat sa berde at nasa hulihan ang uno (1). Mainam ang singko (5) kapag napagitna sa otso (8) at kuwatro (4).
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home