Thursday, August 18, 2005

Galaw ng numero

For: aug 19 issue

Dear David,
REGULAR akong nagbabasa ng kolum mo at nais kong magkaroon ng mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay. Isa akong obrero sa isang construction site at maliit lang ang suweldo dahil naghaharimunan ako kaysa sa maistambay lang. Bigyan mo ako ng gabay sa pag-unlad. Ipinanganak ako noong Setyembre 5, 1970. Marunong akong mag-drive pero wala akong lisensiya dahil napaso na. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.ELISEO NG DAVAO CITYDear Eliseo,NUMBER five (5) at four (4) ang mahihiwaga mong numero. Buntala ng Mercury at Uranus ang kumukubabaw sa iyo. Mabibilis na pangyayari ang magaganap sa iyong buhay kaya’t mahalagang matuto kang magdesisyon nang agaran at tumpak.Huwag kang matakot magkamali dahil iyan mismo ang proseso tungo sa perfection. Susuwertehin ka sa paglalakbay at anumang klase ng espekulasyon o pagsusugal. Mararamdaman mo ang pag-angat at pagbagsak ng presyo ng mga produkto sa merkado kaya’t maaari kang magnegosyo. Buwenas ka sa paglalako at pag-aahente. Matindi ang iyong convincing power kaya’t dapat na magamit mo ito. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2008, 2011 at 2012 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay. Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Agosto at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 9, 11, 18, 23, 26 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Martes at Biyernes.
Kulay gray at yellow ang buwenas mo. Sa jai alai, isama mo sa No. 5 at No. 4 ang No. 1. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 4-8-11-19-23-26-34-37-40-42. ASSET TIPS: 4-7-2/ 1-3-6/ 8-9-3/ Wiretips: 3-2-6/ 8-9-3/ 1-3-5/ 5-3-7. Double digit: 3-2/ 6-2/ 8-4/ 6-6. Luzon guide: 3-2-11-19-23-24-34-36-40-42. VisMin: 3-6-11-19-22-28-34-37-40-42. MegaLotto: 4-11-18-23-24-34-36-40-42. Four Number: 2-5-7/ 6-7-2-1/ 1-3-5-6. Coded tips; bangus- biya- tilapia/ ginto- tanso- ruby/ n-a-s.
--30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home