Monday, August 29, 2005

galit sa aso

(Aug.30, 2005 issue)

PAPATAYIN daw ngayon ang Impeachment complaint.
At marami ang SALARIN.

----$$--
PERO umaasa pa si Rep. Ronnie Zamora na mapapalawig ito.
He, he, he, daig pa niya si Kristo, bubuhayin ang “patay”.

----$$--
IKINULONG na nang todo ang mga OFWs sa US military barracks upang hindi mapatay ng mga Iraqis.
BILANGGO sila sa sarili nilang KAGUSTUHAN.

----$$$---
NAPUNO ng “petitions” ang TEXT MARY project server.
Ganyan karami ang mga MAKASALANAN.

-----$$--
HUMIHINGI ang mga siklista ng sariling BIKE LANES sa mga lansangan.
Ngayon lamang nila ito gagawin kung kailan nagaganap ang krisis.
Pag natapos na ang BIKE LANES, tapos na rin ang krisis.
Ganyan sila ka-BOPOL.

-----$$$--
INAMIN ng DENR na tone-toneladang HAZARDOUS WASTE ang itinatapon sa ilog araw-araw.
Iyan ang dapat TRABAHUHIN ni DENR Sec. Mike Defensor.

----$$--
GAGAMITIN ang Intramuros bilang SIMBULO ng TURISMO.
Kasama kaya dito ang NAGKALAT NA PUTATSING sa historical site ?

----$$--
EEKSENA na rin ang mga ASO sa anti-GMA protest.
Nakupp, magagalit ang mga TUTA sa Malacanang.

----$$$---
SINISISI pa ngayon ng Pacific Plans Inc. ang mga NAGOYO nilang planholders sa kanilang KABULASTUGAN.
Lintek na raket yannnnn!

-----$$---
IPINAGMALAKI ng DPWHna tinapalan na nila ng ASPALTO ang mga baku-bakong daan sa MetroManila.
ASPALTONG NATUTUNAW ng ulan.
Para aspaltuhin muli next week.
Simpleng PANGUNGURAKOT.

----$$$---
ISASARADO na raw ang International School of Manila.
Simbolo kasi ito ng DISKRIMINASYON sa mga obrero.
Dolyar ang suweldo ng foreign teachers, at mamiso sa Pinoy tutors.

-----$$--
IYAN din ang mismong inirereklamo ng Pinoy cagers sa Philippine Basketball Association (PBA) kontra sa mga IMPORTED PLAYERS.
Kinukunsinte ng gobyerno ang PANG-AAGRABIYADO sa sariling kababayan.
Mga inutilllllll!
----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home