Friday, August 26, 2005

prinsesa, 2 misis (28aug05)

Tiktik—28aug05, advance for: aug 28 issue

Dear Don Honesto,
NAPANAGINIPAN ko po na ako ay dumalo sa isang engrandeng okasyon. Nakasuot ako ng damit tulad sa isang prinsesa. Kumikinang ang mga pahiyas sa aking damit. May orkestra na tumutugtog at nang magpalakpakan ang mga panauhin ay biglang lumabas ang isang nakapaguwapong escort ko. Nanginig ako sa tuwa at napaluha habang isinasayaw niya ako sa gitna ng bulwagan. Biglang namatay ang ilaw kaya’t nagsigawan ang lahat pero nang muling mabuksan ang ilaw ay nagising na ako at natulala pa rin dahil isang panaginip lang pala ang lahat. Ano kaya ang ibig sabihin nito? Isa akong titser sa isang day care center pero dalaga pa ako.Ako na lang ang walang asawa sa aming magkakapatid. Ipinanganak ako noong Agosto 6, 1975. Bigyan mo ako ng masusuwerteng numero lalo na sa pagtaya sa jai alai at lotto.


MYRNA NG SAN ILDEFONSO, BULACAN

Dear Myrna,
MASYADONG apektado ang iyong panaginip ng iyong pagpapantasya na makapag-asawa ng isang ideal man. Pero ang magarang damit ay repleksiyon din naman ng iyong malinis na pagkatao. Malinaw dito na ikaw ay maraming natatagong katangian. Kumbaga, marami kang assets, pero hindi nakikita ng mga tao particular ang mga binata sa iyong paligid. Ang orkestra ay nagsasabi na dapat na maging sistematiko at organisado ang bawat pagkilos. Ang bulwagan ay nagsasabi na ikaw ay nabibilang sa iginagalang na angkan at ang prinsipe ay nagpapahiwatig na mayroon kang strong personality at ito mismo ang sagwil kung bakit nabalam ang iyong pag-aasawa. Kung namatay ang ilaw, nangangahulugan ito na ikaw ay kailangan magdesisyon nang mabilisan upang hindi ka maiwanan ng panahon. Katapat ng grande ay No. 27; No. 28 ang prinsipe; No. 40 ang bulwagan; No. 33 ang magarang damit; No. 14 ang pagsasayaw; No. 7 ang binata; at No. 6 ang palakpakan. Tipikal sa tulad mong isinilang sa petsang 6 ay mabalam ang pag-aasawa. Pinakabuwenas mo ang No. 6 at No. 8. Sa jai alai, isama mo ang No.1. Sa lotto, pumulot ka sa itaas at ihalo ang ilan sa mga sumusunod: 3-8-11-19-23-28-34-38-40-42.
---30—


02. PALMISTRY

head:Dalawa ang asawa

Dear Sir Dennis,
NATUKSO na rin akong magpa-serox ng guhit ng palad. Gusto ko kasing malaman kung magkakaroon ako ng asawa. Nabiyudo na ako noong nakaraang taon kasi nagkaroon ng kanser sa obaryo ang misis ko. May apat kaming anak at naiwan sila sa akin. Mapagtapos ko kaya sila ng pag-aaral? Makapagpundar kaya ako ng sariling bahay at lupa? Ipinanganak ako noong Disyembre 17, 1970.


ALEX NG MALABON CITY


Dear Alex,
HUWAG kang mag-alala, makakapag-asawa ka naman muli dahil may dalawang guhit na lumitaw sa tagiliran ng palad (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng hinliliit). Nagsasabi ito na dalawang beses kang magmamahal. Kapwa ka magiging maligaya sa kanilang piling bagaman sa magkaibang panahon. Makakatapos naman ng pag-aaral ang apat mong anak at madaragdagan pa ito ng dalawa na kapwa rin magtatagumpay. Malilinaw at matitikas kasi ang anim na guhit na pumaitaas sa kalamnan ng hinlalaki (tingnan ang bilog sa bandang kalamnan ng hinlalaki). Nagsasabi ito na makakatulong sila sa panahon ng iyong pagtanda. Makakapagpundar ka rin ng sariling bahay at lupa dahil may guhit na pumaitaas sa bandang ilalim ng hinlalato (tingnan ang bilog sa bandang ilalim ng middle finger).
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home