Monday, August 29, 2005

Luksa sa Kongreso

MAUGONG ang ulat na pupuwersahin ngayon ng mayorya na “patayin” na ang impeachment complaint sa Kongreso bilang pabaon kay Ate Glo patungo sa New York.Pero sisikapin ng oposisyon na mapalawig pa ang pagdedebate hangga’t hindi pa nakokopo ang target na 79 signatures.Krusyal ngayon sa administrasyon Arroyo ang linggong ito.Tiyak na hindi na mapagkatulog si Ate Glo.Hilong-talilong naman ang kampo ni Vice President Noli de Castro na binubuo ng Nacionalista Party at Liberal Party dahil kapag ibinasura ang Impeachment complaint sa araw na ito—liliit na ang tsansa na maupo ang kanilang “manok”.Pero kapag naramdaman ni Speaker JDV na makukuha ang 79 boto mula sa NP at LP ay hindi malayong tularan nito ang diskarte ni ex-AFP Chief of Staff Angelo Reyes kung saan INUNAHAN nito ang isang military faction na loyal kay Gov. Chavit sa pagtalikod sa kanyang commander-in-chief.Tulad ni Reyes, kapag naunahan ang Lakas-CMD na bumabaliktad at nailusot ang Impeachment, mawawalan sila ng PODER sa susunod na administrasyon na pamumunuan ni Vice Noli.Pero, kapag nai-TAYMING nila ang maniobra, maaaring maging BISE PRESIDENTE si Speaker JDV para sapawan ang pangarap nina Sen. Manny Villar ng NP at Sen. Frank Drilon ng LP.Sa linggong ito, masasaksihan natin ang “katapatan” at “kalokohan” ng mga mambabatas.Huwag sana silang magkamali.At huwag sanang masunog ang kanilang mga bahay sa init ng balitaktakang pulitika.----30---

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Hurricane Katrina may push oil above $70/barrel
I posted a few days ago on the rising cost of oil and refined products, saying that about the only bright spot was that Hurricane Katrina would miss the Gulf of Mexico and its associated rigs.
Mooie blog heb je hier. Ik heb interessante informatie over Bruiloft, om te bekijken kijk hier naar Bruiloft .

Mon Aug 29, 09:25:00 PM  

Post a Comment

<< Home