Sunday, September 11, 2005

ala-Magsaysay

Editorial (12Sep05)

LULUWAS tungong New York si Ate Glo ngayong gabi. Tayming ito sakali mang may nagpaplano ng kudeta dahil kapag nakubkob ang lahat paliparan sa bansa, hindi makakabalik sa Malacanang si Ate Glo. Maaari bilang buwenasin si Vice President Kabayan kasi’y sa pagkabalam o pagkawala ni Ate Glo sa Malacanang ay awtomatiko siyang biglang uupo.
Nangangahulugan ito na maaaring makipagkutsabahan ang kanyang mga ayudante sa isang military faction na naghahangad na maagaw ang poder mula kay Ate Glo. Pero, sakaling ang kumokontrol sa mga airport at Malacanang ay ang mga hardliners mula sa hanay ng mga kabataang opisyal ng AFP, maging si Vice Kabayan ay maaaring bihagin o kornerin sa isang sulok. Madaling matunugan ito kasi’y tiyak na magsasagawa muna ang mga mga coup plotters ng surveillance kabilang ang pag-tap sa cellphone at pagtiktik ng galaw ni Kabayan.
Bagaman, naibasura ang impeachment, hindi nangangahulugan na natapos na ang problema bagkus ay nagpaliyab ito ng negatibong sintimyento at pinalala ng “deadlock” na appointment sa hepe ng Southern Command—na may hurisdiksiyon sa pinakamaraming bilang ng mga aktibong sundalo na aktuwal na sumabak sa sagupaan.
Isa ring delikadong mangyari ang mapabilang si Ate Glo sa mga biktima ng pagbagsak ng eroplano tulad sa naging kapalaran ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.
Nagkakasunod-sunod ang pagbagsak ng eroplano at huwag sanang mangyari ang ganitong kalagim na senaryo sa ating Pangulo. Anu’t anuman, iisa lang ang mabibiyaan ng mga negatibong eksenang ito — si Vice Kabayan!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home