Saturday, September 03, 2005

nag-climax kaya?

Bistado (04Sep05)

NAG-ALYANSA ang Pamilya Lopezes at Ayalas
upang itumba si Ate Glo at ipuwesto si Vice Kabayan.
Iyan na ang TOTOONG DELIKADO.
-----$$---
MUKHANG mauulit ang kasaysayan.
Mararanasan ni Ate Glo ang naranasan noon ni Pareng ERAP.
Nag-TRAYDOR ang Bise President sa kanyang PRESIDENTE.
----$$---
KAPAG nawalan ng BAYAG si Vice Kabayan,
mag-ala-ERAP pa rin ang kasaysayan.
TATRAYDURIN ng AFP Chief
ang kanyang COMMANDER-IN-CHIEF.
-----$$---
AT tulad ni Gov. Chavit,
may kakambal din siya sa istorya.
Iyan ay si GOV. DY.
-----$$---
HINDI na mapipigil ang implementasyon ng EVAT.
Higit pa ito sa 10 doble ng epekto ng BAGYO.
Iyan ang tunay na KALAMIDAD.
-----$$---
IBABALIK daw ng Senado ang exemption
sa ENERHIYA kaugyan ng EVAT.
Aba’y hindi ba’t NAUBOS ang panahon
nila sa DEBATE hinggil dito?
Hindi pa naipatutupad, eh, BABAGUHIN agad.
Isang DAKOT KAYONG UGOKKKKKK!
-----$$---
ITINANGGI ng DLR na ginamit nila ang MARCOS FUND
sa pangangampanya sa 2004 election.
May naniniwala kaya sa mga SINUNGALING?
-----$$---
IBINASURA ng Korte Suprema na humihiling
na makialam sila sa IMPEACHMENT.
Korek kayo dyan!Huwag muna kayong umaksiyon
hangga’t hindi malinaw KUNG MAGKANO.
-----$$---
NAGBABALA si Sen. Rodolfo Biazon na NAGMAMASID
at BUMUBUWELO na ang military establishment.
Hindi na nagkakalayo sina Sen. Biazon at Madame Auring.
-----$$---
KAUNA-UNAHANG Pinay si Karina Dayondon
na maakyat sa pinakamataas na taluktok ng Mt. Everest
sa pagitan ng Pakistan at China.
Hindi nilinaw sa ulat kung nag-CLIMAX siya
nang marating ang RUROK ng bundok.
------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home