Saturday, September 10, 2005

Mindanao revolt

Editorial (11Sep05)

MATAPOS makalusot sa impeachment proceedings, may higit na malaking problema ngayon si Ate Glo. Ito ang umuugong na Mindanao Revolt. Bunga ito ng pagbasura ni Ate Glo sa rekomendasyon ng Board of Generals na italaga bilang bagong Southern Command chief si Army’s 4th Infantry Division commander Maj. Gen. Samuel Bagasin.
Umuwi mula sa United States ang pamilya ni Bagasin para sa pormal na pagtatalaga pero nadismaya ang mga military personnel nang biglang i-appoint si AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Edilberto Adan bilang hepe ng Southcom na may hurisdiksiyon sa buong Mindanao Island. Hindi biro ang kinakaharap na problema ngayon ni Ate Glo kasi’y naiirita ang mga sundalong nasa front line at mismo mga junior officers na nasa field na aktuwal na nakakaranas ng “maruming politika” sa loob ng kanilang hanay.
Walang duda na mabilis na magniningas ang disgusto ng mga sundalo dahil isa sa iginagalang na heneral si Bagasin kaya’t kung nanaisin nito magaan niya makokontrol ang buong Mindanao sa isang iglap lamang.
Nakakatakot din ang scenario na bihagin ang mga local officials at magdeklara ng revolutionary government kasabay ng pagpasok sa Cebu province mula sa Cagayan de Oro na territoryo mismo ni Bagasin bago tumalon sa Palawan mula sa Sulu at Zamboanga upang makubokob ang Negros at Panay Island.
Sa ganyang senaryo, magpa-PANIC ang MetroManila na sentro ng Luzon at seat of government na maaaring ikabagsak mismo ni Ate Glo. Wala nang talab ang Peoople’s Power. Pero, hindi pa nasusubok ang talim ng dulo ng baril!
Ipagdasal nating huwag maganap ang malagim na senaryong ito. Kaawa-awa na naman si Juan.
---30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home