Sunday, September 04, 2005

Susuko si Kristo

EDITORIAL (05Sep05)

MASELAN pa rin ang kalagayan pampulitika sa bansa, makalusot o hindi man maiakyat sa Senado ang Impeachment Complaint kontra kay Ate Glo. Ang mabigat dito, napapagitna ang isyu sa higit na maselang sitwasyon tulad ng hindi mapigil na paglobo ng presyo ng langis sa world market at ang wala nang atrasang implementasyon ng Expanded Value Added Tax (EVAT).
Sa susunod na ilang araw rin, maaaring magsunod-sunod ang malakas na patak ng ulan at pagdating ng malalakas na unos na magbubunsod ng matinding pagdarahop dahil sa pagkasira ng pananim at paglaganap ng epidemya. Kung susuriin, hindi lamang dalawa ang krus na papasanin ni Juan dela Cruz kundi apat—kaguluhan pulitikal, unos at trahedya sa tag-ulan, oil price increase at EVAT.
Kung ang Dakilang Kristo ng Jerusalem ay mabubuhay sa Maynila bago mag-Disyembre, kahit pa sino ang kanyang ama at ina, makayanan kaya niya ang pagdurusa sa Golgota? Hindi kaya sumuko si Jesus Christ at isumpa niya ang parusa ng mga Eskriba’t Phariseo na may control ng politika sa ating bansa? Kahit si Haring Solomon ay mahihirapan magbigay ng lunas sa krisis na nakaamba sa ating Inang Bayan. Kahit 10 ulit tayong mag-Rosaryo araw-araw habang gumagapang patungo sa altar ng Quiapo at Redemptorist Church, may milagro kayang maganap?Kailan kaya kukunin ni Lord ang mga Herodes sa ating lipunan?
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home