Saturday, September 10, 2005

dakilang tanga

Bistado (11Sep05)

ANIBERSARYO ngayon ng Sept. 11 terrorist attack sa World Trade Center sa New York at Pentagon sa Washington.
Ginugunita dito kung gaano KATANGA ang mga Kano.

----$$--
SA paggunita sa 9/11 attack, nagpa-PANIC ang mga Kano sa pagsalba sa New Orleans na GINUNAW ng Hurricane Katrina na pinalakas ng isang electronically-induced weather disturbance.
Iniimbestigahan ng CIA kung paano ito NAGAWA ng foreign experts.

----$$--
AMINADO rin ang international political observers na NATATALO ang US troops at allied forces sa giyera sa Iraq.
Panibagong TANDA ito ng isang NALALAOS na US government.

-----$$--
KINUMPIRMA na may 100,000 Pinays ang nag-AANDOT ng “sarili” bilang date partners mula sa Internet.
High tech na pati PROSTITUTION.
Huwag ka, dolyares ang kita dyan.

----$$--
NI-REJECT ni Tita Cory ang REKONSILYASYON na iniaalok ni Ate Glo.
ISA pang BIYUDA na NANGANGALIT ang panga.

----$$---
BIGLANG itinalaga ni Ate Glo si Deputy AFP Chief Lt. Gen. Edilberto Adan bilang SOUTHCOM CHIEF imbes ang rekomendado ng Board of Generals na si Maj. Gen. Samuel Bagasin.
Hindi kaya ito ang maging MITSA ng first Mindanao Revolt?

----$$--
WALA na raw talab ang Edsa People’s Power.
Sa pagkadismaya ng mga SOUTHCOM soldiers, hindi malayong SIMULAN ng MINDANAO ang “REBOLUSYON”.
Susundan ito ng pagkubkob sa Visayas na tiyak na MAGPAPAGUHO sa Luzon.

-----$$---
ITINANGGI ni Rep. Imee Marcos na “NABILI” siya.
May naniniwala naman kaya?

-----$$--
NAGTATWA rin ang mga Catholic Bishops na tumanggap sila ng “gambling money” mula sa Pagcor.
Sila ang MODERNONG SAN PEDRO.
Nagtatatwa tuwing TITILAOK ANG MANOK.

-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home