Saturday, September 03, 2005

tag-tanga

Editorial (04Sep05)

TULAD sa halaman na may panahon ng tag-TANGA kung saan maraming pipis na bunga ang palay at iba pang halaman, masasabi natin ngayong tag-TANGA ngayon ang panahon n gating mga lider pambansa particular ang mga mambabatas.
Isipin ninyong hindi pa halos naipatutupad ang kontrobersiyal na Expanded Value Added Tax (EVAT) na nilagdaan ni Ate Glo at pinaboran ng Korte Suprema—ay aanyendahan agad ng 11 senador.
Sa totoo lang, mahabang panahon ang naubos sa pagdedebate sa naturang EVAT law bago nailusot sa bicameral conference at ngayong isa nang batas ay muling babaguhin.
Nais kasi ng mga senador na bigyan ng exemption ang oil at power generating companies upang hindi lumobo ang presyo ng produktong petrolyo at konsumo sa elektrisidad pero hindi ito nasunod.
Ginagamit kasi ng mayorya sa Kongreso ang kanilang “dami” upang puwersahin ang mga batas na nakakaperhwisyo sa taumbayan.
Kung paanong brinaso ang EVAT ay ganyan din mismo ang ginawa ng mayorya sa pagbasura sa tatlong impeachment complaint.
Nalimutan ng mga gunggong na mambabatas na ang MINORYA ay may likas na karapatan sa batas at demokratikong institusyon.
Nais ng MAYORYA na ipatupad ang mga batas na nakakaapekto nang masama sa mayorya ng populasyon pero hindi kayang idepensa ng MINORYANG bilang ng mga mambabatas.
Kung si Marcos ay tinawag na One-man dictator, ang mayorya sa administrasyong Arroyo ay maituturing ding MODERNONG DIKTADOR—dahil binabastos nito ang demokratikong institusyon.
Pinakamasakit, kinukunsinte sila mismo ng Korte Suprema at Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kung hanggang kailan ito magaganap ay walang nakakaalam!
------30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home