Sunday, September 11, 2005

jobless program

Bistado (12Sep05)

UMISKOR ng knockout win kahapon si Manny Pacquiao.
Isang karangalan ng Pinoy!
Nakangisi na naman ang BIR.

-----$$--
SASAMA na rin sa protesta ang dating aktres na si Amalia Fuentes.
Star-studded na ang oposisyon.

----$$--
LIHIM na natutuwa si Madame Meldy.
Maililibing na kasi sa Libingan ng mga bayani si Apo Makoy.
Delikado yan, madame, baka MATEPOK ka sa sobrang SAYA.

----$$--
BABAWASAN dawn g Meralco ang singil sa konsumo ng elektrisidad.
Klap! Klap! Klap!

----$$--
KINATAY ng isang TSIMAY ang kapwa TSIMAY sa Singapore.
Pati krimen ay ini-EXPORT ng mga Pinoy.

-----$$--
NAGTAAS na naman ng presyo ang mga OIL COMPANIES.
Lintekkkkkk!

----$$--
TUTULAK si Ate Glo tungong New York ngayong gabi.
Huhhh, tuwang- tuwa ang mga nagpaplano ng KUDETA.

-----$$$---
ITINALAGANG Officer-in-Charge sa Southern Command si AFP Deputy of Staff Edilberto ADAN.
Nag-aaway kasi sa naturang puwesto ang magka-MISTAH na sina Maj. Gen. Bagasin at Hello Garci general na si Maj. Gen. Gabriel Habacon.
Hindi malayong maulit sa dalawa ang istoryang ABEL at CAIN na kapwa anak ni ADAN na NAGPATAYAN.

-----$$--
NAHAHATI na rin ang Mindanao na naglulunsad ng sariling PEOPLE’S POWER.
Hindi kaya i-SALVAGE na rin ang mga nagpoprotesta?

----$$-
KALAHATING milyong government workers ang masisisante sa REORGANIZATION na idinidikta ng IMF-World Bank.
Bahagi ito ng ONE-MILLION-JOBLESS program ng pamahalaan.

-----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home