Friday, September 09, 2005

Atlantis

Editorial (10Sep05)

NAGPA-PANIC ang mga Kano sa pagre-rescue at pagsasalba sa New Orleans na sinalanta ng Hurricane Katrina. Tinatayang mahigit 10,000 ang napatay ni Katrina, higit sa 3,000 namatay sa 9/11 terrorist attack at maging sa bilang ng mga natepok ng US troops sa Iraq.
Nagdiwang ang mga Islam bloggers sa pagkakalat sa internet na kinasiyahan ni Allah at Mohammed ang nakakarimarim na trahedya sa popular na estado sa US. May ulat din na isang klase ng “man-made disaster” ang Hurricane Katrina dahil may iba’t ibang klase ng direksiyon ang bayo ng hangin na imposibleng mangyari sa isang “normal hurricane”. Matagal nang sinasaliksik ng mga eksperto ang pagmanipula sa “weather” o “lagay ng panahon” kung saan unang ginamit ng mga US scientist sa walang patid na pag-ulan at pagpapabaha sa Vietnam upang lumabas sa lungga sa ilalim ng lupa ang mga Vietcong pero madalas na tumatama ang unos sa kabilang pampang sa Pilipinas.
Kinumpirma sa isang ulat na nagtagumpay ang mga anti-US terrorist na imanipula ang Hurricane Katrina na malinaw na kahinaan muli ng mga American experts.
Malinaw ngayon na isa nang LAOS NA BANSA ang United States sa larangan ng military, science at economics. Susundan nila ang yapak ng naglahong sibilisasyon ng Atlantis!
-----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home