Wednesday, September 21, 2005

Ayaw kay Kabayan

bistado (22Sep05)



HINDI pabor ang mga Kano na maupo si Vice Kabayan kapalit ni Ate Glo.
Siya ang dahilan kung BAKIT HINDI MASIBAK si PGMA.

------$$--
KINUMPIRMA ng US na nagkaroon ng tangkang kudeta noong buwan ng Hunyo.
He, he, he, maraming NAMUTLA sa paligid ni Ate Glo.

----$$--
IPINAGYAYABANG ni Speaker JDV sa America na walang MAKAKAPIGIL sa ChaCha.
Kahit MASUNOG ULI ang kanyang MANSION?
Kasama siya?

-----$$--
DINOBLE ang budget para sa Office of the Vice President.
He, he, he, may LABAN pa kasi siya kontra kay Loren Legarda.

----$$--
AGAW-BUHAY na si ex-Rep. Romeo Jalosjos kaya't PALALAYAIN na.
Para que?

----$$-
ITINAKDA ang Barangay at SK election sa Oktubre, 2007.
Sa 2007 din, nakaiskedyul ang local at national elections kasabay ng Cha-Cha.
PASKO BUONG TAON sa 2007.

-----$$--
MAUUPO raw na bagong hepe ng SBMA ang tatay ni singer-actress Lea Salonga na si Phil Salonga.
Para hindi magreklamo ang pamilya Gordon at pamilya Magsaysay.
Nakinabang si Salonga sa AWAY ng kapwa tao.

-----$$--
INAAPURA na ng China ang pagsisimula ng North Rail Transit System mula Kalookan City tungo sa Malolos City.
Para MAKOBRA na ang KURAKOT.

----$$--
DEDBOL ang 1,000 katao sa India sanhi ng ENCEPHALITIS na sakit na tangay din ng mga LAMOK.
Dapat ipagbawal ang pagpasok ng mga BUMBAY, baka kasi may DALA-DALA silang lamok sa kanilang clutchbag.

----$$--
HINDI pa nakakarekober ang New Orleans sa dambuhalang baha ay nagbabanta naman ngayon si Hurricane Rita.
Talagang ayaw silang TANTANAN ni Allah.

----$$----
INAMIN ng al-qaeda network na sila ang may kagagawan ng pambobomba sa London na nakapatay ng 52 katao.
Tulad ng US, palpak ang Britain sa pagkontra sa terorismo.

-----30---
EDITORIAL

HEAD: Inang Bayan

NAPAKALINAW na seryoso na minamanmanan ng US spies ang bawat galaw ng matataas na lider ng bansa.
Sa totoo lang, mas dapat magbigay ng paliwanag dito ay ang mga American officials imbes ang mga Pinoy na sina Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Isang sagradong tungkulin at pagmamahal sa Inang Bayan ang ginawa nina Aquino at Aragoncillo na kunin ang impormasyon na may kaugnayan sa kanilang tinubuang lupa.
Ang isyu hinggil sa pagpapatapon o pagsusurender sa US authorities ng mga Filipino leaders na tumanggap ng naturang impormasyon ay isang MALAKING KATANGAHAN.
Guilty lamang na maituturing sa pag-ESPIYA ang mga Pinoy leaders kung impormasyon ay may kaugnayan sa PAGPAPABAGSAK sa American government.
Isang banal na tungkulin ng isang Pinoy na alamin ang kaganapan sa kanyang bansa kahit sa papaanong paraan.
Malinaw ang mga ebidensiya na NANGHIHIMASOK ang mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
At dapat kuwestiyunin ng Kongreso at Malacanang ang kalokohang ito ng mga US spies.
Nakakadismayang isipin na maraming gunggong na Pinoy ang sumasakay at kumakampi sa PRESS RELEASE ng US embassy.
Hangga't ngayon, marami pa rin ang MAKAPILING may talukbong ng bayong sa ulo!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home