Thursday, September 15, 2005

masarap magluto

Bistado—16sept05


ISUSURENDER daw ng gobyerno ang tatlong RP officials sa United States dahil sa kasong page-ESPIYA.
Nagkaloko-loko na ang oposisyon!

-----$$---
PINURI ni US Prez George Bush ang Pilipinas.
Masarap daw MAGLUTO ang mga Pinoy.
Lalo na raw si Comelec chairman Benjamin Abalos.

-----$$---
HALOS 50 porsiyento ng kinikita ng mga negosyante ay nauuwi sa BUWIS sa gobyerno.
At 100 porsiyento ng buwis ay nauuwi sa BULSA ng mga public officials.
Kumbaga, ginagamit lang na KOLEKTOR ng mga BUWAYA ang BIR.

----$$--
TULOY na ang court martial sa 29 lider ng Magdalo Group o mas kilala bilang Oakwood Mutineers.
Iyan na ang SIMULA ng gulo.

----$$--
NABABAHALA sina Sen. Ping Lacson at Pareng Erap na isabit sila sa page-ESPIYA ni Michael Ray Aquino sa US government.
Ayaw nila nun, malilibre ang kanilang BIYAHE SA US MAINLAND?

-----$$--
INAMIN ng gobyerno ang $75,000 kada buwan na bayad sa PR group upang maisulong ang Charter Change sa Pilipinas.
Ganyan NILULUSTAY ang pondo ni Juan.

-----$$--
DEDBOL ang isang obrero sa piket line sa Caloocan City.
Oh, sino ba ang gusting mag-labor strike?

-----$$--
PINAGBAYAD ng $16,000 ang isang Fil-Am pedophile sa kanyang biniktimang tinedyer.
Gawin mo nang $32,000, para puwede ka pang TUMIKIM ng isa pang binatilyo.

-----$$---
WALA sa Singapore, US at Malaysia si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Eh, baka nariyan lang sa BORACAY.

-----$$--
SITENTA (70) katao na ang namamatay sa DENGUE.
Ang DOH, kalmante pa rin!

-----$$--
IPAGPAPALIBAN daw ang EVAT para sa kuryente at langis.
Korek kayo dyan!

-----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home