Thursday, September 15, 2005

hawak sa kuwelyo

Editorial (16Sep05)

MASELAN ang isyu hinggil sa kaso na kinasasangkutan nina dating PAOCTF officer Michael Rey Aquino at Leandro Aragoncillo na inakusahang nagnakaw ng intelligence information sa Federal Bureau of Investigation (FBI) sa United States.
Tinukoy na kasabwat ditto ang isang dating mataas na opisyal ng gobyerno sa Pilipinas at dalawang kasalukuyang “mataas na opisyal” ng pamahalaan.
Agad nagbigay ng pahayag sina Sen. Ping Lacson at Pareng Erap na wala silang kinalaman sa naturang kaso bagaman inamin nila na personal nilang kaibigan sina Aquino at Aragoncillo.
Isang malaking dagok ito sa hanay ng oposisyon sakaling sina Lacson o Erap man ang tinutukoy na tumanggap ng “maseselang dokumento?”.
Mistulang binubuwenas naman si Ate Glo na kasalukuyang nagtatalumpati bilang presiding officer sa United Nations Security Council (UNSC).
Kinumpirma ng Malacanang at mismo ng kampo ni Lacson na walang kinalaman ang sinumang Pinoy sa pagkakatungkab ng kaso kaya’t malinaw na walang halong pulitika ang pagbubunyag ng eskandalo.
Anu’t anuman, ang kasong ito ay gaganap ng mahalagang papel sa takbo ng pamahalaan dahil mawawalan ng PANGIL ang oposisyon at maba-BLACKMAIL ng United States ang buong Republika.
Sa ngayon, hawak ng mga Kano sa KUWELYO ang damit ng oposisyon at maipapaling nito ang mga kalaban ni Ate Glo saan man nila gusto—kontrahin o kampihan ang Malacanang!
Iisa lang ang makikinabang sa sitwasyon ito—si UNCLE SAM!
-----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home