Wednesday, September 21, 2005

Inang Bayan

Editorial (22Sept05)

NAPAKALINAW na seryoso na minamanmanan ng US spies ang bawat galaw ng matataas na lider ng bansa.
Sa totoo lang, mas dapat magbigay ng paliwanag dito ay ang mga American officials imbes ang mga Pinoy na sina Michael Ray Aquino at Leandro Aragoncillo.
Isang sagradong tungkulin at pagmamahal sa Inang Bayan ang ginawa nina Aquino at Aragoncillo na kunin ang impormasyon na may kaugnayan sa kanilang tinubuang lupa.
Ang isyu hinggil sa pagpapatapon o pagsusurender sa US authorities ng mga Filipino leaders na tumanggap ng naturang impormasyon ay isang MALAKING KATANGAHAN.
Guilty lamang na maituturing sa pag-ESPIYA ang mga Pinoy leaders kung impormasyon ay may kaugnayan sa PAGPAPABAGSAK sa American government.
Isang banal na tungkulin ng isang Pinoy na alamin ang kaganapan sa kanyang bansa kahit sa papaanong paraan.
Malinaw ang mga ebidensiya na NANGHIHIMASOK ang mga Kano sa internal affairs ng Pilipinas.
At dapat kuwestiyunin ng Kongreso at Malacanang ang kalokohang ito ng mga US spies.
Nakakadismayang isipin na maraming gunggong na Pinoy ang sumasakay at kumakampi sa PRESS RELEASE ng US embassy.
Hangga't ngayon, marami pa rin ang MAKAPILING may talukbong ng bayong sa ulo!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home