Friday, September 16, 2005

atake

bistado (17sept05)


TATLO lang ang RP officials na isinasabit sa pag-ESPIYA sa US.
Pero, sangkatutak ang PUMIPIYOK.
----$$--
SABI ng PNP, hindi raw handa ang Pilipinas sa BIOCHEM ATTACK.
Eh, kahit ka sa SIMPLENG SNATCHING, hindi kayo preparado, yung pang atake ng lason.
Buwisetttt.
-----$$--
IBINASURA naman ng Korte Suprema ang apela ng pro-IMPEACHMENT.
Magkano kaya?
----$$--
KINASUHAN ng TAX EVASION ang isang school owner.
Iyan ang hindi dapat MATUTUHAN ng mga estudyante.
----$$-
NAMI-MISS na raw ni Big Mike si Ate Glo.
At ang jueteng operators at smugglers?
---$$--
HINDI naman pala KANSELADO ang passport ni Michael Ray Aquino.
Hindi kaya siya ay totoong isang GOVERNMENT AGENT.
-----$$---
MAGMUMULA raw sa private donations ang $75,000 monthly budget sa international PR para sa CHARTER CHANGE.
Hindi kaya ito ay mula rin sa mga JUETENG LORDS?
-----$$--
HINDI raw popular ang vasectomy.
Huhh, isang klase pa ito ng hamburger o instant noodles?
-----$$--
NASABAT ang P8 milyong illegal logs sa Sierra Madre.
Talagang ayaw paawat ang mga ILLEGAL LOGGERS.
Malaki na ang kinikita ng mga taga-DENR.
-----$$--
AABOT na sa $ 5 bilyon ang remittance ng mga OFWs nagdaang pitong buwan.
Pero, hindi pa rin sila NATUTULUNGAN ng gobyerno.
---30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home