Saturday, September 17, 2005

hindi mukhang pera

Editorial (18Sep05)


NAGBABALA ang mga awtoridad na maaapektuhan ang health care programs sa Pilipinas dahil sa hindi maawat na pangingibang bansa ng mga doctor at nurses upang samantalahin ang bakante at dambuhalang suweldo.
Pero, hindi naman ito totoong magaganap.
Libo-libo ang mga doctor at nurses sa Pilipinas kung saan kahit araw-araw ay mag-abroad ang mga iyan ay hindi kayang maubos ang mga manggagamot at health workers sa bansa.
Masama ang ganyang pananaw kasi’y hindi naman lahat ng doctor at nurses, tulad din naman ng ibang professional ay MUKHANG PERA.
Higit na marami pa rin ang nagnanais na manirahan sa lupang tinubuan at makasama ang buong pamilya sa loob ng bansa.
Higit na masaya ang manirahan kung saan ka isinilang at mas panatag ang kalooban kaysa makipagsapalaran sa isang lipunan na talamak sa diskrimasyon.
Sa totoo lang, ang mga doctor sa Pilipinas ay isa sa may pinakamababang suweldo at ito ay dahil sa “over supply”.
Kung totoong nauubos ang mga doctor, dapat ay malaki ang suweldo ng mga ito, pero sa aktuwal ay higit pa ang kinikita ng mga fish ball vendors at master carpenter sa mga doctor at nurses sa mga ospital at klinika.
Kung totoong kapos ang bilang ng mga doctor, dapat ay pinag-aagawan ang kanilang serbisyo at siyempre—iyan din mismo ang magpapalobo ng kanilang suweldo.
Kung bayani ang mga OFWS, dapat din nating ituring na bayani ang mga mangggamot na nanatili sa ating Inang Bayan kahit hindi tumatanggap nang maayos na bayad sa kanilang serbisyo!
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home