Wednesday, September 14, 2005

espiya

Bistado (15sept05)


TIKLO ang kanang kamay ni Sen. Ping Lacson sa page-ESPIYA sa America.
Siya ngayon ang RERESBAKAN ng administrasyon.

----$$--
MARAMI ang pumupuri kay ex-PCGG Chairman Haydee Yorac.
Kung kailan siya PATAY na.

----$$---
INAMIN ni DENR Sec. Mike Defensor na tuloy pa rin ang ILLEGAL LOGGING sa 14 rehiyon.
Pero, hindi inamin ni Sec. Mike na siya ay isang INUTIL.

----$$--
KINUMPIRMA naman ni anti-jueteng czar Edward Hagedorn na tuloy pa rin ang JUETENG kahit nagbigay siya ng TANING na Setyembre 15.
Hindi rin inamin ni Hagedorn na siya ay isa ring INUTIL.

------$$$---
NAKIUSAP si Vice President Noli de Castro na ipatupad ang CEASEFIRE habang nananatili si Ate Glo sa United National Security Council (UNSC).
May nakikinig naman kaya?

-----$$--
ANIM na Pinoy daw ang namamatay sanhi ng ATAKE SA PUSO kada isang oras.
Matapos ninyong basahin ang kolum na ito, may ISANG MATETEPOK.
Sana’y hindi IKAW YUN.

----$$--
WALA raw sa New York o kahit sa New Jersey si ex-Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.
Eh, baka naman nasa NEW ORLEANS at inanod na ng malaking baha!
At least, hindi na natin siya hahanapin pa.

----$$-
Eh, nasaaan naman kaya si Atty. Sammy Ong.
Nalipasan ng panahon ang kanyang EXPOSE.
Hindi kaya nasa loob na siya ng Malacanang?

-----$$--
DAPAT daw bigyan ng tsansa si Lt. Edilberto ADAN bilang bagong hepe ng Southcom.
Matuwid daw na commander si ADAN—huwag lang tutuksuhin ni EBA.

----$$--
PINALAKAS pang lalo ng US troops ang pag-atake sa Iraqi rebels.
He, he, he, gusto pa nila ang isang pang HURRICANE KATRINA mula kay Allah.

------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home