Friday, September 16, 2005

hindi biro

Editorial (17Sep05)

PUMALO na sa $4.7 bilyon ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Hindi biro ang naitutulong ng OFWs upang makontra ang krisis sa ekonomiya. Malinaw dito na aktuwal na "TAO" ang export products ng gobyerno na tumatabo ng dolyares. Siyempre, kasama na dito ang mga Japayukis at GRO's sa Japan; domestic helpers, construction workers, nurses, caregivers at mga professional executives sa iba't ibang panig ng bansa.
Pero, kasama kaya dito ang $1 milyong dolyares ni Manny Pacquiao?
Next year, pinakamababang $10 milyon ang makokorner ni Pacman sa kanyang kontrata kasi'y haharapin niya sa rematch sina Erik Morales, Marco Antonio Barrera at Juan Manuel Marquez na pawang prize fighters mula sa Mexico. Ang dolyares na maipapasok ni Pacquiao ay sisiw lamang sa billion-dollar worth na publisidad upang makilala ang Pilipinas sa mapa ng daigdig na hihigop ng bilyong dolyares sa porma ng turismo at investments.
Umuwi na kahapon si Pacman mula sa United States, pero dinedma lamang ng MalacaƱang ang kanyang pagbabalik maliban sa pagparada sa mga lansangan sa Maynila. Kung si Pacquiao na hindi masusukat ng salapi ang naihahandog na karangalan sa bansa ay iniisnab lamang ng gobyerno, paano pa kaya ang pobreng OFWs na pundasyon ng ekonomiya ng bansa.
Tulad ni Pacquiao, aktuwal na dugo at buhay ang ibinubuwis ng mga OFW sa pagpapaaalila sa ibang bansa. Sana'y bigyan natin sila ng magandang pagkalinga.
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home