Saturday, September 24, 2005

exodus

Bistado (25Sept05)



NAI-DRAFT na pala ang DEKLARASYON ng Martial Law.
Imposible.
Kasi’y WALANG BAYAG si Ate Glo.

----$$--
NAG-EXODUS ang may dalawang milyong Kano sa Texas at Louisiana dahil sa takot kay Hurricane RITA.
Hindi kayang kontrahin ni US Prez George ang LUPIT NG KALIKASAN.

-----$$---
PABOR ang United States na magbalik si Pareng Erap sa Malacanang kaysa kay Vice President kapag napatalsik si GMA.
Nangingiti na ngayon ang mga nasa oposisyon.

----$$--
PERO, hindi basta- basta papayag si Ate Glo na masibak.
At diyan niya gagamitin ang kamay na baka—MARTIAL LAW!

----$$--
DESIDIDO ang Malacanang na ipagbawal ang STREET PROTEST.
He, he, he, MUKHANG MABUBUHAY SI MARCOS.

---$$--
PINAGHUBO’T HUBAD pala ng US immigration ang mag-asawang Brig. Gen. Raymundo Jarque.
At natawa pa ang mga opisyal ng gobyerno.
Pukawnamooooo!

----$$$--
WEEKLY na raw ang gagawing EXPOSE ng oposisyon kontra kay GMA.
Huuhh, wika nga ni Apo Makoy: The More The Merrier!

-----$$--
AYON sa PNP, nagi-IMPORT na raw ng shabu ang mga DRUG TRAFFICKERS.
Ngayon lang ninyo NALAMAN?

-----$$--
TUMANGGI si Bush sa kahilingan ng mayorya ng US citizen na pauwiin na sa kanilang bansa ang US troops.
Tsk, tsk, tsk, talagang NABABALIW na ang US president.

----$$$--
ISINISISI sa global warming ang pananalasa nina Hurricane Katrina at Rita sa US Gulf Coast.
Akala k okay ALLAH nila isinisisi.

-----$$--
IKO-CLONE na rin pala ang Philippine Carabao.
Eh, magsasaka, iko-CLONE na rin kaya?

---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home