Thursday, September 22, 2005

Zombie ang Maynila

Editorial (23Sep05)

Head: Zombie ang Maynila

ISANG nakakahilakbot ng balahibo ang modus operandi ng ilang operatiba ng Western Police District (WPD) upang makapagdelihensiya ng kuwarta para lamang makaraos sa pagdarahop ng kanilang pamilya.
Isang Superferry employee na anak ng isang editor ng pambansang diyaryo ang nabiktima ng mga hinihinalang "Manila Finest" noong isang araw.
Nagtapon ng upos ng sigarilyo ang pobre bago sumakay sa dyip na biyaheng Intramuros sa gilid ng Quiapo Church nang agad siyang lapitan ng dalawang pulis- Maynila na nakasakay sa Mobile Patrol Body No.330 na may plate no. SEE 596.
Pinababa siya sa dyip na nasa tapat ng Quiapo Church bago pinasakay sa naturang patrol car at dinala sa SM Manila.
Pinupuwersang hingan ng P3,500 ang biktimang si Ezekiel Basco, 28 at pinaliit ito sa P1, 750 pero talagang walang pera ang obrero kaya’t nagbigay na lamang siya ng P500 para hindi makasuhan kuno.
Gayunman, ibinalik kay Basco ang P100 nang mahalatang wala na itong kapera-pera para sa pamasahe.Tinangka ng "Manila Finest" ni Mayor Lito Atienza na kunin din ang cellphone ng biktima pero nagmakaawa ito at hindi ibinigay.
Hindi nakuha ang pangalan ng mga suspek kasi’y tinakpan ang kanilang mga nameplate pero isinulat ng biktima ang numero ng patrol car at plate number.
Dalawa ang implikasyon ng insidenteng ito.
Bagaman gasgas na ang modus-operanding ito ng pulis- Maynila (napakarami nang nabiktima sa Maynila nang ganitong hulidap), patuloy na nagtatagumpay pa rin ang mga hoodlums-in-uniform.
Sintomas ito ng pagdarahop mismo ng mga PARAK.
Talamak pa rin ang KRIMEN sa gitna ng lansangan—mismo sa sentro ng ating bansa.
Propaganda lamang ang diskarteng: Buhayin ang Punong Lungsod".
Mas angkop itong tawaging "ISANG ZOMBIE ANG MAYNILA".
----30--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home