Thursday, September 22, 2005

wanted: RP president

Bistado (23sept05)



NAGHAHANAP ang US ng Pinoy leader na uupo sa Malacanang sa mga susunod na panahon.
Ngayon pa lang ay BABAYARAN na nila.

----$$--
LUMALAKI ang "PAGITAN" ng mayayaman at mahihirap.
Aba, eh di lagyan ninyo ng TULAY.

--$$--
MAGLALABAS ng "sariling traffic tickets" ang Kyusi.
Kaawa-awa naman ang mga DRIVER, darami ang MANGONGOTONG.

----$$--
WALO ang tinepok ng Bagyong Labuyo sa Bicol.
Huhh, akala ko ba ay READY ang gobyerno sa disaster.

----$$---
AYON kay Gov. Bongbong, BIKTIMA raw ng HUMAN RIGHT abuses ang Pamilya Marcos.
Ha! Ha! Ha!

-----$$---
NAGPAPASOK ng INTRIGA mismo ang US embassy upang mawasak ang tambalang GMA-Noli.
Malinaw na malinaw ang MOTIBO ng mga Kano—GULUHIN ang gobyerno.

----$$---
HANGGANG ngayon, nananatiling No.1 TRAYDOR si Uncle Sam.
Pero, HOPELESS si Ate Glo na kontrahin ang mga Kano.
Kasi’y aktuwal siyang BIHAG ng mga makabagong Hitler.

----$$---
NIRE-RECRUIT na rin pala ng Abu Sayyaf ang mga KRISTIYANO.
Hindi kaya maging MIYEMBRO nila sina Bro. Eddie at Bro. Mike?

----$$--
IBINUNYAG ng United Nations na hinahasa na ngayon ang THIRD GENERATION TERRORISTS.
Ibig sabihin, mas DELIKADO ang mga APO NI OSAMA BIN LADEN

-----$$---
MAPESTE ang Vietnam, kinumpirma na may EPIDEMYA ng BIRD FLU sa Indonesia.
Ang Indonesia ay ilang METRO lamang sa Mindanao.
Kukuya-kuyakoy lamang ang DOH.

-----$$--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home