Saturday, September 24, 2005

US at si Pareng Erap

Editorial (25Sep05)

GARAPALAN ang pambabastos ng mga Kano kay Vice President Noli de Castro sa pagsasabing walang kakayahan itong maupo sa Malacanang sakaling mapabagsak si Ate Glo.
At lumilitaw, na ito mismo ang DUMISKARIL sa pagtatangka ng “People’s Revolt” noong Hulyo.
Tandisan ding inendorso ng isang US intelligence agent si Pareng Erap na pinakakuwalipikadong maupo muli sa Malacanang dahil hindi kumukupas ang Erap Magic kahit pa nakakalaboso na ito sa nagdaang apat na taon.
Malinaw pa sa mineral water na nagbibigay ng “rekomendasyon” at CLUE ang US spies sa takbo ng gobyerno ng Pilipinas.
Ito rin mismo ang dahilan kung bakit iniutos na ng Malacanang na isulat o “i-draft” ang isang Emergency Power proclamation na magpapairal ng “Mestisong Martial Law” sa loob ng bansa.
Ibig sabihin, ang emergency ay buwelo sa deklarasyon ng Martial Law kung saan pagtitibayin ito sa Kongreso.
Napatunayan na kontrolado ni Ate Glo ang Kongreso nang “i-SALVAGE” nang walang kalaban-laban ang Impeachment Complaint kaya’t magaan na maipatutupad ang Martial Law.
Maaari ring ang mga Kano mismo ang nag-uutos kay Ate Glo na ideklara muli ang Martial Law upang makontrol nila ang takbo ng gobyerno—at maproteksiyunan ang US business interest sa loob ng bansa.
Sakaling pumalpak si Ate Glo, magaan ding maipupuwesto muli si Pareng Erap kasi’y hindi na iiral ang CONSTITUTIONAL PROCESS kung saan magkakaroon ng karapatan si Vice Kabayan.
Ang senaryong ito an gating babantayan sa mga susunod na araw.
Ipagdasal natin huwang itong maganap, kaawa-awa na naman si Juan!
---30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home