Sunday, September 25, 2005

korap

Editorial (26Sep05)


BUBUKSAN na ng Senado ang pagdinig sa kontrobersiyal na $5003-million Northrail project na sasakop sa 32-kilometrong daang-riles mula Caloocan City hanggang Malolos City sa Bulacan.
Pinagdududahan ni Senate President Frank Drilon ang kontrata na pinasok ng North Luzon Railway Corp. at ng isang Chinese state firm na China National Machinery and Equiptment Corp Group (CNMEG) dahil hindi ito nagdaan sa subasta.
Inilalararawan ni Drilon na isang “COLLOSAL CORRUPT DEALS” ang naturang kontrata kung saan uubos ng P1 milyon ang gastos kada kilometro gayon isa lamang itong “diesel-powered commuter trains” na hindi nalalayo sa trambiya o PNR Trains na nalipasan na ng panahon.
Taliwas modernong LRT at MRT na pinaaandar ng kuryente—sinauna na ang desenyo ng naturang tren at malaki ang posibilidad na mawasak agad ang mga ito tulad ng mga tipikal na produktong “Made-In-China”.
Bukod ditto, malinaw din ang “corruption” na nagaganap sa paglilipat ng mga squatter families mula sa daang-riles sa Balagtas, Bulacan dahil DINODOBLE-DOBLE ang halaga ng “lupa at materyales” sa pabahay kung saan marami na ang namatay dahil sa hindi maayos na “relokasyon”.
Kung magsisiyasat ang Senado, matutuklasang “OVERPRICED” ang materyales na ipinagkakaloob sa mga iskuwater na inilipat sa Sitio Galas sa Bgy. Santol at Pulonggubat.
Dapat ay siyasatin ng Kongreso, hindi lamang ang aktuwal na kontrata sa China—kundi kung paano KINUKURAKOT ng mga opisyal ng gobyerno ang “RELOCATION FUND” para sa mga iskuwater.
Manlulumo kayo sa inyong matutuklasan!
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home