Monday, October 10, 2005

mas mabagsik sa Martial Law

Bistado (11Oct05)

Head:
NALIBING nang buhay ang mahigit 2,000 katao sa isang landslide sa Guatamala.
Hindi nag-iisa ang Aurora Province.

----$$---
GINANAP sa Pampanga ang FROG FESTIVALS.
Tiyak na dinayo rin ito ng mga AHAS para kainin ang mga palaka.

----$$---
MAY inilabas na SHOOT-TO-KILL ORDER ang mga awtoridad sa mga magre-RECRUIT para sa kudeta.
Huhh, mas grabe ito kaysa sa Martial Law.

----$$---
ITINANGGI ng US embassy na nanggugulo ang mga Kano upang mapabagsak si Ate Glo.
He, he, he, may MANINIWALA kaya sa mga NUMERO UNONG TRAYDOR?

----$$--
DEDBOL ang apat na PUGANTE sa New Bilibid Prisons.
Oh, mayroon pa ba diyang magtatangkang UMESKAPO?
----$$--
KINUMPIRMA ng isa pang AYUDANTE ni Ate Glo na namumuro na ang isang MILITARY REVOLT.
Kung kalian, iyan ang isang malaking SORPRESA.
Hindi kaya gawin sa All Saint Day o sa Pasko at Bagong Taon?

----$$---
TINALO ng kapatid ni Manny Pacquiao na si Bobby ang katunggaling si ex-IBF World champion Carlos Hernandez.
Huhhh, may makakapalit na si Pacman.

-----$$$---
HINDI raw maaaring i-pressure ng Malacanang ang White House na ibunyag ang MASTERMIND ng PAGE-ESPIYA sa America.
He, he, he, imposibleng kasing UTUSAN ng isang TUTA ang kanyang AMO.

-----$$--
INAKALA ng mga taga-Pakistan, Afghanistan at India na nagunaw na ang MUNDO nang tamaan ng malakas na lindol.
Humm, natuto silang MAGDASAL.

----30—

0 Comments:

Post a Comment

<< Home