Friday, October 07, 2005

maling akala

editorial (08Oct05)

KUNG inaakala ng Malacanang na naabsuwelto na si Ate Glo matapos na ibasura ang impeachment complaint sa Kongreso, malinaw na nagkamali sila.
Iba ang katagang "absuwelto" kaysa sa "nabigong imbestigahan" ang eskandalo.
Malinaw na na-reject ang complaint, pero hindi ito nangangahulugan na "walang kasalanan" si Ate Glo. Sa punto ng pilosopiya ng batas, biktima mismo si Ate Glo sa naturang "pagkitil" sa impeachment complaint kasi'y nawalan siya ng pagkakataon na linisin ang kanyang "sarili" na inakala ng kanyang mga kapanalig at tagapayo--ay kasingkahuluhan ng katagang "absuwelto". Batay sa resulta ng mga survey, hinatulan ng mayorya ng populasyon si Ate Glo na "GUILTY" sa pandaraya sa 2004 presidential election-- at hindi nagbabago ang ganitong paniniwala na sana'y malilinis kung naibigay ng MalacaƱang ang kanilang panig at aktuwal na "I-ABSUWELTO" mismo ng Impeachment Court na bubuuin ng Senado.
Sa ngayon, dire-diretso pa rin ang paglitaw ng malilinaw ebidensiya at aktuwal na TESTIGO kabilang ang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at opisyal ng pamahalaan. Sa ngayon, ipinauubaya na lamang ni Ate Glo ang kanyang kapalaran sa "kamay ni Bathala" at sa "DULO" ng baril ng mga kabataang sundalo.
----30----

0 Comments:

Post a Comment

<< Home